Junnie Boy, Vien Iligan-Velasquez Welcome Alona Viela in a Touching Birth Story Vlog

Nitong December 8, 2022 ay ipinanganak na ang bunsong anak nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na si Alona Viela sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ipinasilip ng mag-asawang miyembro ng Team Payaman ang ilan sa mga kaganapan sa likod ng panganganak ni Mommy  Vien.

Team Payaman Prayer Warriors

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng ngayo’y father-of-two na si Junnie Boy ang mga pinagdaanan ng kanilang pamilya matapos manganak via cesarean delivery ni Mommy Vien.  

Bago pa man magtungo sa ospital ay pinabaunan na ng Team Payaman ang pamilya Iligan-Velasquez ng dasal para sa kaligtasan ng mag-inang Vien at Viela.

Unang bumisita kay Vien at Baby Viela ang nag-ala tatlong hari na sina Brylle Galamay a.k.a Bods, Carding Magsino, at Michael Magnata a.k.a Mentos.

Syempre, hindi kumpleto ang kanilang pagbisita kung wala ang mga kwelang hirit at biro ng tatlong hari ng Team Payaman.

Matapos bumisita ng TP Wild Dogs ay rekta na sa delivery room si Vien upang opisyal na salubungin ang unica hija nitong si Alona Viela.

Mommy Vien’s POV

Sa kanyang vlog, unang ibinahagi ni mommy Vien ang halo-halong emosyon na naramdaman bago pa sumailalim sa kanyang operasyon.

“Yung nararamdaman ko ngayon, kinakabahan ako, natatakot, at higit sa lahat excited. Medyo kinakabahan kasi gising ako mamaya sa operation. Excited na ako kasi panibagong experience na naman sa amin ‘tong mag-asawa,” ani Vien.

Panatag naman ang loob ni Mommy Vien na sumailalim sa kanyang operasyon dahil sa pabaong halik ng anak nitong si Mavi.

Ibinahagi na rin nito ang kanyang personal na paghahanda ilang oras bago ang kanyang panganganak, na kanyang sinimulan sa pag-aayos ng sarili.

Ilang oras lang ay nagtungo na ang mag-asawang Junnie at Vien sa delivery room para sa kanilang pinakahihintay na pagkakataon.

Hands on Daddy

Bago pa man pumasok si Mommy Vien sa delivery room ay pinabaunan muna ito ni Junnie Boy ng kanyang presensya upang palakasin ang loob ng misis nitong si Vien.

“Kinakabahan naman ako! Kaya mo yan, mommy [Vien]!” saad ni Junnie Boy.

Isa pa sa role ni Junnie Dad ay ang pagputol ng umbilical cord sa pagitan ng kanyang mag-ina na ani nya’y kanya ring pinaghahandaan.

“Kahit pangalawang beses na ni Vien manganganak, hindi ko maiwasang hindi kabahan, pagbabahagi ni Junnie Dad.

Hindi mawala ang ngiti ni Junnie Boy sa kanyang labi ng matagumpay na ipinanganak ni Vien ang kanilang unica hija.

Kasama si Mavi, buong galak na sinalubong ng team Iligan-Velasquez sa kanilang pamilya si Alona Viela habang patuloy na nagpapagaling si Vien mula sa kanyang operasyon.

Kahit tapos na ang operasyon, patuloy pa rin si Junnie sa pagtupad ng kanyang mga obligasyon bilang asawa at ama na kanyang sinimulan sa pagpupuyat para alagaan ang kanyang unica hija.

Watch the full vlogs below:

Yenny Certeza

Recent Posts

EXCLUSIVE: Pat Velasquez-Gaspar Shares the Birth of Ulap Patriel

February 28, 2025 nang ipanganak na ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang…

2 hours ago

Cong Clothing Drops An Exclusive Summer 2025 Collection

For the first time this year, Team Payaman’s Cong TV’s very own clothing line, Cong…

1 day ago

Boss Keng Shares Snippets of Kuya Isla’s Swimming Bonding with Mommy Pat

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng,…

2 days ago

Summer Just Got Better with Viyline MSME Caravan at SM Dasmariñas

The VIYLine MSME Caravan is a great opportunity for local business owners to show their…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Get Real About Being Second-Time Parents

Matapos ang matagal na paghihintay, masayang ibinahagi ng Team Payaman power couple na sina Viy…

1 week ago

Alex Gonzaga Shares a Sneak Peek of Her Dream Home’s Progress

Sa bagong vlog ng social media star at aktres na si Alex Gonzaga-Morada, handog niya…

1 week ago

This website uses cookies.