YouTube Names Cong TV, Viy Cortez as 2022 Top-Trending Creators in the Philippines

Oras na naman para alamin ang ilan sa mga vlogs at vloggers ang nakatungtong sa Top-Trending Creators ng YouTube ngayong taon bilang pagpupugay sa galing ng Pinoy. 

Napabilang sa listahan ng 2022 Top-Trending Creators ng YouTube sina power couple Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez.

Top 2 YouTube Creator

Sa higit sampung taon sa industriya ng vlogging, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ng mga manonood ni Cong TV hindi lamang sa kanya, kundi pati na rin sa kanyang mga top-trending vlogs.

Kaakibat ng kanyang pagtagal sa karera ng vlogging ay ang pag-usbong ng bilang ng kanyang mga taga-suporta na umabot na sa higit sampung milyong subscribers sa YouTube.

Kamakailan lang ay naglabas ng listahan ang YouTube Philippines ng sampung mga personalidad a tiyak na nag-iwan ng marka sa mga manonood.

At syempre, hindi nawala sa listahan ang Team Payaman headmaster na si Cong TV na pumapangalawa sa Philippines Top YouTube Creators.

Ang nasabing listahan ay alinsunod sa bilang ng oras at dami ng beses na ito’y pinanood at sinubaybayan ng mga Pilipinong gumagamit ng YouTube app.

2022’s Top-Trending Videos

Sa kabilang banda, umani rin ng papuri at pagkilala ang longtime girlfriend at fiance ni Cong TV na si Viy Cortez mula sa YouTube Philippines.

Sa listahan ng 2022 Top-Trending videos na inilabas ng YouTube, kabilang ang vlog ni Viy Cortez na ZEUSna umani ng higit sa 5 milyong views sa loob lamang ng limang buwan.

Ang nasabing vlog ay naglalaman ng istorya ng kapanganak ni Viviys sa kanilang unico hijo na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat.

Hindi lang ito naging usap-usapan sa YouTube, dahil ang vlog ni Viy Cortez ay naging top-trending din sa iba pang social media platforms gaya ng Facebook, Instagram, at TikTok.

Yenny Certeza

View Comments

  • no bad vibes ang power couple, kaya sila nagustuhan naming panoorin, oo may mura taung naririnig, pero putang ina wal ng bnl ngayon, ultimo bata pumapatay na hehehe, more power sa team payaman at sa pamilya ni mossing! paawer!! ako nga po pala ito si tom, kung sakaling nabasa po ito nila mam viy, PENGE CONG CLOTHING🤣🤣🤣 BAGI MANLNG AKO MAG B DAY... SALAMAT PO NG MARAMI!

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

7 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.