BABY IS OUT: Junnie Boy, Vien Iligan-Velasquez, Mavi Welcomes Baby Alona Viela!

The long wait is finally over! Isinilang na ang unica hija nina Team Payaman member Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez

Huwebes, Dec. 8, 2022 nang ipinanganak ni Mommy Vien si Baby Alona Viela Velasquez sa St. Lukes Medical Center – Global City sa Taguig. 

Kasabay ng pagdiriwang ng Immaculate Conception ay ipinagdiwang din ng Team Payaman ang pagsilang ng kanilang pinakabatang miyembro. 

Welcome Team Payaman Baby!

Sa isang Facebook post, inanunsyo ng nakababatang kapatid ni Cong TV na si Junnie Boy ang kapanganakan ng kanyang ikalawang supling. 

“Welcome to the world little alon,” ani Junnie Boy kaakibat ang larawan kasama si Baby Viela at panganay nitong si Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi

“Salamat dahil kamuka mo si mommy mo na may konting tita venice. Mahal na mahal ka namin ni mommy at kuya mo @vonmavi @alona.viela @vivieniligan,” dagdag pa nito. 

Ipinarating naman ng ibang miyembro ng Team Payaman ang kanilang pagbati sa nasabing post.

Pat Velasquez-Gaspar: “ love you, Viela! Finally naki may kikay narin kaming aayusan!!!!”

Tin Piamonte: “Can’t wait to see you, Alon”

Viy Cortez: “Seeyouuuuuuuu alona”

Samantala, hindi pa rin nawala ang kwelang komento ng Team Payaman at tila napagkatuwaan pa kung sino ba talaga ang ka-hawig ni Baby Viela. 

Pat Velasquez-Gaspar: “Di ko kamukha???? Wala talagang bahid????”

Boss Jude: “Sana kamuka ko!”

Kha Kha: “Sorry tita Pat Velasquez-Gaspar, Tita Venice Velasquez ulit kamukha”

Alona Viela

Mayo ng taong kasalukuyan nang inanunsyo ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na anim na linggo ng buntis si Vien sa kanilang ikalawang supling. 

Ikinatuwa naman ng lahat ng magkaroon n gender reveal party ang dalawa noong Hunyo kung saan inanunsyo na Baby Girl ang kanilang Baby No. 2.

Samantala, isang buwan bago ipanganak ang kanilang unica hija at ipina-tattoo naman ni Junnie Boy ang pangalan nito. 

Kwento ni Junnie: “So ngayon nag-isip kami, ano kaya magandang first name ni Viela? Habang nandirito kami sa Siargao, napag-isipan namin na lahat ng gala namin, puro dagat. So yung letter A na pangalan niya ay Alona Viela Iligan Velasquez.” 

Dagdag pa nito: “Lagi kaming nasa dagat, so ang nickname namin sa kanya ay ‘Alon.’” 

Kath Regio

Recent Posts

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 hours ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 hours ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

9 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

9 hours ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

This website uses cookies.