Mavi Velasquez Humorously Unbox Birthday Gifts with Daddy Junnie Boy

Noong nakaraang Nobyembre ay masayang ipinagdiwang nina YouTube power couple Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang ika-apat na kaarawan ng kanilang panganay na si Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi. 

Hatid ngayon ng pinakabatang Team Payaman vlogger ang isang kwelang gift unboxing video kasama ang kanyang ama. 

Sa kanyang YouTube channel na “Mavi’s Time,” ibinahagi ni soon-to-be Kuya Mavi ang mga natanggap na regalo kamakailan lang. 

Unboxing gifts

“Hi guys! Welcome to my channel! Kasama ko ay si Dada!” pagbati ni Mavi sa kanyang 403,000 YouTube subscribers. 

Agad naman nitong pinasalamatan ang mga dumalo sa kanyang Cars-themed party na ginanap sa McDonalds Southwoods, pati na ang mga nagbigay ng regalo.

“Thank you po sa mga nagbigay ng gifts!” dagdag pa ni Mavi. 

Kabilang sa mga natanggap na regalo ni Mavi ay mga damit, medyas, at underwear na syang nauna nyang nabuksan. 

Napuno naman ng tawanan ang Payamansion ng buong tapat na sinabi ni Mavi ang nararamdaman nito sa mga regalong  damit na: “Ayaw ko yan eh! Tabi muna!” 

Paliwanag ni Daddy Junnie: “Hindi naman sa ayaw niya, ayaw lang niya isuot ngayon.”

Samantala, sa gitna ng pagbubukas ng mga regalo, hindi rin mapigilan ni Mavi na paulit-ulit na tikman ang kanyang birthday cake. 

Finale toy

Syempre hindi mawawala sa mga natanggap na regalo ni Mavi Velasquez ay mga laruan gaya ng sniper gun toy at toy camera. 

Pero para sa huli at pinaka malaking kahon, tila si Daddy Junnie Boy naman ang na-excite habang binubuksan ang regalo mula kay Tita Vianne.

“Kasi naalala ko nung elementary kami, mga ginagamit namin tingga,” kwento ni Junnie.

“Beh, ang ganda nito beh! Alam kong hindi mo naiintindihan ‘to beh, pero sobrang solid nyan! ‘Yan ang tinatawag na beyblade!” dagdag pa nito.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

15 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

19 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.