Dudut Lang and Clouie Dims Goes on a Christmas Shopping Date!

Panibagong araw, panibagong adventure na naman ang hatid sa atin ng isa sa mga kinakikiligang Team Payaman couples na sina Clouie Dims at Jaime Mariano, a.k.a Dudut Lang

Matapos ipagdiwang ang kaarawan ni Dudut noong nakaraang buwan, game na game namang sumabak sa dibdibang Christmas shopping ang mag-nobyo. 

Shopping at Noel Bazaar

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Team Payaman Wild Cat Clouie Dims ang naging karanasan kasama si Dudut sa pamimili sa Noel Bazaar na ginanap sa World Trade Center kamakailan lang.

“Tamang ikot lang kami dito ng aking love love!” pagbabahagi ni Clouie.

Una nang pinuntahan ni Clouie ang bazaar booth ng kanyang iniidolong YouTube vlogger na si Toni Sia.

Supportive boyfriend at tagabitbit naman ang peg ni Dudut na sumusunod sa kanyang nobya sa pamimili.

Hindi nagtagal ay nakapili na rin si Dudut matapos masubukan ang pa-free taste ng isang sparkling drink brand.

“Kung ano ano binibili, ayan [tuloy]! Yung finree taste n’ya, ayon binili n’ya na rin!” biro naman ni Clouie. 

Bukod sa wine, kinumpleto na rin ni Dudut ang kanyang shopping cart sa pagbili ng croissant. 

Clouie’s Clothing Haul

Matapos ang masayang Christmas shopping, ibinahagi rin ni Clouie ang kanyang mga napamili sa nasabing vlog. 

Unang ipinakita ni Clouie ang kanyang mga napamili mula sa Get Ready with Me (GRWM) Cosmetics na setting spray at milk tints na aniya ay ibinudol ng kaibigan nitong si Vien Iligan-Velasquez.

Bilang kapares ng kanyang pinamiling lip tints, bumili rin si Clouie ng mga trending na coordinates.

“Itong coordinates ay uso siya ngayon eh. Si Anne Curtis nakikita ko nakaganito!” 

Isa rin sa mga nakakatuwang pinamili nina Dudut at Clouie ay ang pambahay daster na agad namang sinuot ni Dudut.

“Ito ang gusto kong sabihin sa inyo, yung mga lalaki d’yan na nasa bahay lang naman, kung may nakita kayong kasyang daster sa inyo, bilhin n’yo na. Ang komportable!” biro naman ni Dudut.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

1 day ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

2 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.