Isa si Viy Cortez sa mga itinuturing na “unbothered queen” ng social media, pero sa pagkakataong ito hindi pinalampas ng sikat na YouTube vlogger ang pambabatikos ng ilang netizens.
Kamakailan lang, ibinahagi ni Viviys ang isang emosyonal na video habang kinu-kwento ang lagay ng kanyang breastfeeding journey.
Sa kabila ng pinagdadaanan nito, hindi pa rin naiwasan ng ibang netizens na punahin ang tila naging emotional breakdown ng ina ni Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat..
Sa isang TikTok video, inamin ng 26-anyos first-time mom na hindi nya maiwasang maging emosyonal sa naging desisyon nila ng longtime boyfriend at fiance na si Cong TV ukol sa kanyang pagpapa-breastfeed sa kanilang panganay.
“Napag-usapan namin ni Cong na mag fix-feeding na ako, mag formula na kami kay Kidlat,” ani Viviys. Nalilimitahan na aniya kasi ang kanyang mga gawain dahil exclusively breastfeeding ito sa kanilang unico hijo.
Nagkataon naman na nakakita ito ng Facebook post ng isang ina na ibinahagi ang pagpapasalamat ng anak dahil sa gatas nito.
“Gusto kong ma-feel yon na hanggang nagsasalita si Kidlat, sana nagpapadede ako,” dagdag pa nito.
Paliwanag ni Viviys, hangad nya talagang mag exclusive breastfeeding kay Baby Kidlat, pero sa dami ng responsibilidad sa kanyang negosyo at pagiging vlogger, may mga oras na nahihirapan din itong pagsabayin ang lahat.
“Syempre ang dami kong kailangan gawin so minsan nahihirapan ako. Pero nabasa ko yun sa (Facebook) group kaya hindi na ako magfo-formula! Magpapadede na talaga ko, kakayanin ko na lang pagsabay sabayin lahat.”
Dagdag pa nito, wala namang masama mag formula feeding at sadyang emosyonal lang habang iniisip na mababawasan na ang bonding moment niya kasama si Kidlat.
Bagamat maraming netizens ang naki-simpatya kay Viy Cortez, hindi pa rin ito nakalampas sa ilang kritiko na tila iniisip na nagda-drama lang ito para sa content.
Kaya naman sa isang Facebook post, ipinaliwanag ni Viviys ang dahilan ng kanyang pagiging emosyonal sa nasabing TikTok video.
“Pasensya kung minsan di ko na alam kung paano pag sasabayin ang negosyo, paggawa ng mga content for brands na kumukuha sakin, postings, meetings, vlogs,photoshoot at marami pang iba.”
Hinikayat din nito ang netizens na maging sensitibo sa mga salitang binibitawan sa mga nanay na walang hinangad kundi ang kabutihan ng kanilang mga anak.
“Sana sa sunod na may mag open about sa pinagdadaanan nila bilang nanay hindi sila makakarinig ng mga salitang mas makakapag down pa sa kanila.”
Samantala, sa isa pang Facebook post, umalma naman ang reyna ng VIYLine sa isang kritiko na binabatikos ang pag-iyak ni Viviys para sa content.
“Di bale, sa susunod na maiiyak ako ulit titignan ko pagmumukha mo para ipaalala sakin na bawal ako umiyak dahil content lang sa paningin ng kagaya mong makitid.”
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.