Vien Iligan-Velasquez Reveals Delivery Hospital Bag Essentials

Excited na ibinahagi ni Team Payaman member Vien Iligan-Velasquez ang huling yugto ng paghahanda para sa nalalapit na kapanganakan ng kanilang ikalawang supling ni Junnie Boy.

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Mommy Vien ang laman ng kanyang hospital bag na dadalhin sa araw na panganganak kay Baby Alona Viela Iligan Velasquez. 

Mula sa mga damit, panligo, at iba pang delivery essentials, halatang excited at handang handa na talaga ang 25-anyos na vlogger sa kanyang baby number two. 

“Ready naman na kami kahit papano, si Viela na lang hinihintay!” ani Vien na ngayon ay 37-weeks ng nagdadalang tao. 

Baby Bag

Kwento ni Vien, madami syang mga bagay na hindi nagawa habang pinagbubuntis noon ang panganay na si Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi. Kabilang sa mga ito ay ang pagkakaroon ng gender reveal party, maternity shoot, at baby shower. 

Ayon kay Mommy Vien, hindi pa kasi sya vlogger noong mga panahong iyon kaya naman tinodo na nya ang preparasyon kay Baby Viela ngayon. 

Ipinasilip ng misis ni Junnie Boy ang laman ng baby bag na inihanda nya sa pagpunta nila sa ospital. Kabilang sa kanyang “delivery hospital bag essentials” ay ang mga charger ng camera at cellphone para masigurong ma-dokumento ang pagsilang ni Baby Viela. 

Syempre hindi rin mawawala ang kanyang breastfeeding essentials gaya ng manual breast pump, letdown collector, nursing bra, lactation massager, breast pads, cordless breast pump, at milk bag storage.  

“Ito ang pinaka kailangan na kailangan ko mga inay!” ani Mommy Vien. 

“Dati kasi pag nagpapadede ako kay Mavi nasasayang kasi pag pinapadede ko sya dito (left side), tumutulo dito (right side), so ang nangyayari nagli-leak  lang. So pag nagpadede ako kay Viela ngayon, meron nang naka-antabay,” dagdag pa ito. 

Taranta-proof packing

Isa sa mga tips na ibinahagi ng soon-to-be mother-of-two ay ang pag-organize nya ng mga gamit ni Baby Viela. 

Inilagay nito ang lahat na kakailanganin ng sanggol sa mga ziplock na may labels nang sa gayon ay hindi na mahirapan maghanap ang mga katuwang nya sa pag-aalaga kay Viela. 

“Dito ko na lang nilagay sa organizing bag para hindi na malito si Dada and yung mag-aalaga kay Viela, pipili na lang sila kung anong damit ang susuotin.” 

Bagamat nagkaroon ng caesarean delivery noon kay Kuya Mavi, umaasa pa rin daw sila ni Junnie Boy na magkakaroon sya ng normal delivery kay Baby Viela. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

3 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

5 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

5 days ago

This website uses cookies.