How Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Reveals Pregnancy to Family and Friends?

Kamakailan lang ay yumanig ang social media sa pasabog na pregnancy announcement nina Team Payaman power couple Christian Ezekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar

Ngayon naman ay ibinahagi naman ng dalawa kung paano nila sinabi ang magandang balita sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. 

Christmas gift

Unang ipinaalam ni Pat ang pagbubuntis sa kanyang malalapit na kaibigan na tinipon nito sa isang Zoom call meeting.

“I’m pregnant!” anunsyo ni Pat.

“May tanong lang ako, pwede ba kayong maging ninang?” dagdag pa nito. 

Isang “prayer reveal” naman ang ibinahagi ng kaibigan ni Pat, kung saan ipinakita ang mga sulat-kamay ng mga katagang “Mabuntis si Patricia V. Gaspar before 2022 ends!” na sinulat niya noong Aug. 9

Kwento pa ni Mrs. Gaspar sa mga kaibigan, nakakaramdam na sya ng paglilihi dahil nahihilig ito sa pancit, ayaw makaamoy ng butter, at nakakaranas na rin ng morning sickness.

Samantala, halos nagtatalon naman sa tuwa ang pamilya nina Pat at Keng sa balitang nagdadalang tao na ito.  

“Keng, ang galing mo! Tumira ng tres!” ani Venice Velasquez. 

Ikinagalak naman nina “Mama Revlon” at “Papa Shoutout” ang pagdating ng kanilang ika-apat na apo. 

“Noong nasa Singapore kami, nandoon sila naman nasa Batanes, nagtetext kami ni Keng. ‘Pag-uwi nyo buntis na yan ha! Yan ang pinaka regalo nyo sa’kin sa Pasko’ sabi ko. Sabi nya ‘Sige po, sige po!’ kwento ni Papa Shoutout. 

“Merry Christmas, Papa!” bati ni Boss Keng sa kanyang biyenan. 

Team Payaman

At syempre, hindi mawawala ang mga nakakatuwa at nakakaantig ng pusong reaksyon ng Team Payaman na kasama nina Pat at Keng sa Payamansion. 

Hindi naiwasan maging emosyonal ng mag nobyong Dudut Lang at Clouie Dims nang malaman na limang linggo ng buntis si Pat. 

“Sabi ko na iyakin ‘tong dalawang ‘to! Sa lahat ng iyakin, itong mag jowang ‘to yung talagang for the cry!” biro ni soon-to-be Mommy Pat. 

Sa pamamagitan naman ng isang video call pinarating ng dalawa ang balita kina Cong TV at Viy Cortez na noon ay nasa Singapore at nasa byahe patungong Malaysia.

“Meron akong chismis, ‘wag nyo sasabihin kahit kanino! ‘Wag nyong ipagkakalat ha?” bungad ni Pat. 

“Buntis ako!” dagdag nito.

Napasigaw naman sa tuwa ang mag-fiance sa sasakyan at halos walang paglagyan ang tuwa at excitement para kina Pat at Keng. 

“Congrats, Pat at Keng! I love you guys!” ani Cong sa kapatid at bayaw. 

“Ang saya naman non!” dagdag nito matapos ibaba ang telepono.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

TP Kids Introduces the Philippine Names Book Collection for Young Learners

Team Payaman Kids, a subsidiary of Viyline Group of Companies, has been turning learning into…

2 hours ago

Cong Clothing Rebrands as ‘Team Pymn’, Drops New Shirt and Cap Collection This January

Team Payaman fans are in for a treat with fresh merch dropping this January from…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Visit Fellow TP Members’ New Home

Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Levels Up Merienda With Tuna

Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…

3 days ago

Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…

4 days ago

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

5 days ago

This website uses cookies.