Baby Kidlat Spreads Holiday Cheer in Christmas-Themed 5th Month Photoshoot

Muling nagpasabog ng ka-kyutan sa social media ang YouTube baby ng taon, ang panganay nina Cong TV at Viy Cortez na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat.

Ito ay matapos muling sumabak sa kanyang monthly photoshoot si Kidlat bilang pagdiriwang sa kanyang ika-limang buwan.  

Christmas-themed photoshoot

Para sa kanyang 5th month photoshoot, nanatiling hango sa idolo ni Mommy Viy ang tema ng larawan, walang iba kundi si Michael Jackson.

Pero dahil  nalalapit na ng pasko, angkop sa nasabing okasyon ang tema ng photoshoot ng unico hijo nina Cong at Viy. 

Sa tulong pa rin ng The Baby Village Studio, naisakatuparan ang tema, backdrop, at props na hango sa 1970s hit na “Santa Claus is Coming to Town” ng The Jackson 5.

Sa isang Facebook post, ibinahagi nina Cong at Viy ang kinalabasan ng Michael Jackson at Christmas inspired photoshoot ni Baby Kidlat.

“Fifth month! #SantaClausIsComingToTown” 

Bukod sa cute na cute na photoshoot ni Baby Kidlat, sinamantala na rin nina Cong TV at Viy Cortez ang pagkakataon upang isagawa ang kanilang unang family photoshoot kasama si Kidlat.

The Preparations

Samantala, sa isang TikTok reel, eksklusibong ipinasilip ni Jaysteel Dacudao ng The Baby Village Studio ang ilang behind the scenes sa kaabang-abang na photoshoot ng pamilya Velasquez.

Ayon sa photographer: “This would be a memorable photo ng family nila dahil first Christmas ni Kidlat, at first family photo nila!”

Sinuyod ni Jaysteel ang iba’t-ibang malls upang maghanap ng mga dekorasyon na gagamitin para sa nasabing photoshoot.

Ayon sa photographer, ang tema ng family photoshoot ay White Christmas with a touch of Boho. 

Pagdating sa Payamansion ay agad na nag-set up ang grupo ng The Baby Village Studio para simulan na ang Christmas photoshoot ng mag-anak.

Ipinasilip din ni Jaysteel Christmas photoshoot outfits ng soon-to-ben husband and wife na sina Cong at Viy.

Yenny Certeza

Recent Posts

TP Kids Introduces the Philippine Names Book Collection for Young Learners

Team Payaman Kids, a subsidiary of Viyline Group of Companies, has been turning learning into…

44 minutes ago

Cong Clothing Rebrands as ‘Team Pymn’, Drops New Shirt and Cap Collection This January

Team Payaman fans are in for a treat with fresh merch dropping this January from…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Visit Fellow TP Members’ New Home

Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Levels Up Merienda With Tuna

Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…

3 days ago

Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…

4 days ago

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

5 days ago

This website uses cookies.