Heartwarming Reactions to Pat Velasquez-Gaspar and Boss Keng’s Pregnancy Announcement

Nagdiwang ang lahat matapos ianunsyo ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang pinakahihintay na pagbubuntis kasabay ng kanilang first wedding anniversary. 

Naging usap-usapan din sa social media ang nasabing announcement ng Team Payaman power couple. Narito ang ilan sa mga nakakaantig na reaksyon mula sa mga netizens.

Team Payaman Reactions

Sa isang Facebook post, unang binati ni Boss Keng sa kanyang asawa at ibinahagi ang kasabikan nitong maging isang ganap na ama.

“Thank you, Lord sa sweet mong gift sa aming mag-asawa sa aming wedding anniversary. Promise ko po, aalagaan ko po silang dalawa. We did it my love! After ng gabi-gabing 3 points. Finally!” biro ni Boss Keng. 

Siyempre, hindi naman nawala ang nakakaaliw na reaksyon ng Team Payaman members sa pagbubuntis nina Pat at Keng. 

“Ang dami ng bata sa payamansion. Napaka-saya! Thank you Lord! Congrats, sis! Mahal ko kayong tatlo!” pagbati ni Viy Cortez.

“Saksi ang cr ng payamansion sa pag-PT natin tatlo Viy Cortez at Pat Velasquez-Gaspar!” biro naman ni Vien Iligan-Velasquez.

Ayon naman sa kaibigan nitong si Tita Krissy Achino, “Bwisit kayooo!!! Nananahimik ako dito sa parking ng BGC, pinapaiyak niyo ng wala sa oras. Jusko. Hagulgol malaley si watashiii. Huhuhu!!! Grabeee, I’m sooo happy for you two, Sis Pat & Boss Keng!!! Ang galing ni Lord, talagang binibigay Niya in His own perfect time. 🥹💖🫶🏼

Kaya ang dagdag prayer ko pa ay ang safe pregnancy mo Sis at syempre isang malusog at QTP2T na chikiting! Love love love u both!!! Magreretouch muna ako ng muk-ap, aampa pa ko nakakalokaaa!!! 😭” 

Netizens’ Reactions

Umani rin ng kaliwa’t-kanang papuri at pagbati mula sa netizens sina soon-to-be Mommy Pat at Daddy Keng. 

Sa ilalim ng Facebook post ni Pat Velasquez-Gaspar, dinumog ito ng mga mensahe para sa mag-asawa.

Joy De Los Santos: “Congratulations, Boss Keng and Pat. To GOD be the glory and praise. Praying for your safe pregnancy and delivery Pat.. GOD BLESS YOU.”

Andang Villaros: “Sinubaybayan ko Ang love story nyo, simula nung payat pa kayo hanggang ngayon pagtaba nyo, my heart is full!!! Teary eyed, congratulations Pat and Keng! You deserve all the best!”

Host Jam: “Congratulations on your new blessing, Pat Velasquez-Gaspar & Boss Keng 🫶🏻🫶🏻🫶🏻”

Mary Jane Escudero Orejinal: “Congratulations on your new blessing, Pat Velasquez-Gaspar & Boss Keng.”

Hajimi Iwasaki: “Congrats to both of you po!”

Weekend Drive: “Congrats Pat & Keng! Prayer reveal naman po.. Same din kami, waiting for the Biggest Blessing”

Yenny Certeza

Recent Posts

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

13 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

16 hours ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

1 day ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…

2 days ago

This website uses cookies.