Vien Iligan-Velasquez to Build New Home for Parents

Isa na namang girl boss moment ang hatid sa atin ni Team Payaman member Vien Iligan-Velasquez, ang maybahay ni Junnie Boy

Hatid ng vlogger/ entrepreneur/ mother-of-two ng isang inspiring social media post sa kanyang bagong regalo at investment para sa kanyang mga magulang.

New Home

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Mommy Vien ang isa sa kanyang mga pinagkakaabalahan ngayon bukod sa paghahanda sa paglabas ng kanyang ikalawang supling. 

Sa kabila ng preparasyon para sa kanyang panganganak ngayong Disyembre, hindi pa rin napigilan ang preggy mom sa pag-aasikaso ng munting regalo para sa kanyang mga magulang.

“Nakakaexcite! Para sa inyo din lahat ‘tong ginagawa ko,” ani Vien kalakip ang litrato ng mga magulang sa harap ng ipinapagawang bahay. 

“Kahit may sariling pamilya na ako hindi ko pa din kayo papabayaan. I love you mama papa! Mas makakasama niyo na kaming limang anak niyo at mga apo niyo pag natapos na tong bahay natin!” 

Thank you Lord sa mga biyaya!” dagdag pa nito. 

Bukod sa emosyonal na mensahe ay kalakip na rin sa nasabing post ang disenyo ng bagong bahay ng Pamilya Iligan.

Inaasahan na sa pagkatapos ng bahay ay mapapadalas na ang pagsasama-sama ng mga magkakapatid, pati na rin ang apo nilang sina Mavi at Baby Viela.

Congratulatory Messages

Umani naman ng papuri ang 25-anyos na vlogger sa tagumpay na katas ng kanyang pagsisikap at determinasyon.

Sa nasabing Facebook post, ipinabatid din ng mga netizens ang kanilang pagbati para sa bagong natupad na pangarap ni Vien. 

MJ Dulguime David: “Ito yung inaantay kong update din kay maam vien bahay ng parents nya na sya ung makakapag pagawa. Ang saya nabigay nya sa parents nya ung deserve na bagay na magpapasaya grabee.”

Angie Rulloda: “Congrats Vien Iligan-Velasquez. Sana magawa ko din yan sa magulang ko. Mama nalang ang meron ako ang hirap ng malayo sa pamilya kasi may sarili kana din pamilya. Lagi ko ngang pinapanalangin na sana bigyan ako ng blessings ni Lord para makasama ko ang mama ko sa iisang bahay kasama ang kanyang nag iisang apo.”

Diane Carbonel Leal: “Yan din ang dream ko [para] sa parents ko. Makabawi man lang sa sakripisyo nila para sa aming magkakapatid.”

Cesar Abawag: Congrats for all your blessings and for the love for your family!  Proud of you, Vien.”

At syempre, nagpa-abot din ng kanyang pagbati ang hipag nitong si Viy Cortez na fresh pa mula sa kanyang Singapore-Malaysia trip.

Viy Cortez: “Congrats, sis!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

19 hours ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

19 hours ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

20 hours ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

2 days ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

3 days ago

This website uses cookies.