Viy Cortez Teases Sneak Peek of New Products and Freebies to Drop on 12.12 Sale!

Hindi lang uulan kundi tiyak na babaha ng “freebies” sa darating na 12.12 Sale ng mga produkto ng VIYLine na pinamumunuan ni Viy Cortez. 

Matapos ang tagumpay na 11.11 Super Mega Sale nitong Nobyembre, tila hindi pa rin magpa-paawat ang sikat na YouTube vlogger at entrepreneur para mapasaya ang kanyang mga suki ngayong Pasko. 

Ano-ano’ng pasabog nga ba ang dapat nating abangan sa darating na 12.12 Sale ng VIYLine?

New product launch

Sa isang Facebook post, pinasilip ni Viy Cortez ang ilan sa mga bagong produkto ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare na dapat abangan ngayong darating na Dec. 12, 2022. 

Gaya ng mga nauna nitong produkto, tiniyak ng 26-anyos first-time mom na abot-kaya ang presyo ng mga bagong produkto na tiyak na papatok sa masa. 

“NEW PRODUCT ng VIYLine Cosmetics available na sa 12.12 lahat hindi lalagpas ng 200 PESOS,” ani Viviys. 

“Isa lang masasabi ko 12 midnight palang  mag check out na kayo dahil yung ni launch ko nung 11.11 wala pa isang oras SOLD OUT NA,” dagdag pa nito. 

Bukod dyan, siniguro rin ng VIYLine CEO na hindi na magkakaubusan ng stock ng mga best-selling products gaya ng Aqua Cream Mini, Glimmer BB Loose Powder, at WILD 2-in-1 Eyeshadow and Highlighter. 

Freeviys

At dahil malapit na ang Pasko, tila nais mag-ala Santa Clause ni Viy Cortez sa pamimigay ng regalo sa kanyang mga masugid na taga suporta. 

Bukod kasi sa mga bagong produkto ay tiniyak nito na lahat ng bibili sa darating na 12.12 Sale ay magkakaroon ng libreng VIYLine products. 

Magkakaroon din ang mga ito ng tyansa na manalo ng mga bigating pa-premyo gaya ng iPhone 14 Pro Max, motorsiklo at cash na nagkakahalaga ng sampung libo hanggang dalawampung libo. 

But wait, there’s more! Kamakailan lang ay kinumpirma rin ni Viviys na mamimigay sya ng libreng Cong Clothing shirts sa mga maswerteng mamimili sa Dec. 12. 

“Free natin ito mga Viviys on 12.12!” ani Viviys sa isang TikTok post kung saan ipinapakita nito ang Cong Clothing shirt na suot mismo ng kanyang longtime boyfriend at fiance na si Cong TV

Samantala, lahat din aniya ng mga bibili sa TP Kids sa darating na 12.12 Sale ay magkakaroon ng freebies! Paawer!

Manatiling nakatutok sa mga official social media accounts ni Viy Cortez, VIYLine Cosmetics, at VIYLine Media Group para siguradong lagi kang updated sa mga pasabog ng VIYLine!

Kath Regio

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

1 day ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

2 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

2 days ago

This website uses cookies.