Team Payaman Secretaries Reveal Tasks, Challenges and More in Q & A Session with Clouie Dims

Dahil bakasyon grande ang peg nina Viy Cortez, Cong TV, Boss Keng, at Pat Velasquez-Gaspar, time out muna sa heavy workloads ang kanilang masisipag na executive assistants. 

Kasama si Team Payaman Wild Cat Clouie Dims, sumabak sa isang chill na kwentuhan at Q & A session ang mga sexy-taries na sina Pat Pabingwit at Hannah Yu. 

TP Sexytaries

Makikita sa ilang mga vlogs nina Viy Cortez at Pat Velasquez-Gaspar ang kanilang nag gagandahan at nagseseksihang mga executive assistants. 

Si Pat Pabingwit ang nagsisilbing kanang kamay ni Viviys na syang nag-aayos ng kanyang schedule at nakikipag-usap sa mga trabahong kailangan gawin ng 26-anyos vlogger at VIYLine CEO.

Sa kabilang banda, si Hannah Yu naman ang long-time bestfriend na ngayo’y personal secretary na rin ng vlogger at entrepreneur na si Pat Velasquez-Gaspar. 

“So guys sa hindi nakaka-alam, si Hannah ay ang aking best friend since high school. Lahat ng nagiging secretary ko gusto ko kilala ko na, ka-close ko na. So nag-iisip talaga ako before kung sino ang gagawin kong secretary so cinontact ko si bakla” ani Pat sa kanyang vlog.

Q and A

Sa bagong vlog ni Clouie Dims, isang masayang chikahan na may kasamang Q & A portion ang hatid nito kasama ang ilang sa mga executive assistants ng Team Payaman.

Sinimulan si Clouie ang  katanungan sa kung paano nila nakilala ang kanilang mga “boss.”

Ayon kay Hannah: “Si Pat nakilala ko nung first year high school tapos si Boss Keng, Youth for Christ [member] din.” 

Ibinahagi naman ni Pat ang dahilan ng kanilang pagkakakilala ni Viviys: “High school friend ko s’ya. Magkaklase kami nung third year high school. Wayback, medyo nagca-catch up naman kami.”

Dagdag pa ng mga ito, mahigit sampung taon na nila kakilala ang bawat isa kung kaya’t naging madali sa kanila ang pakikipag-trabaho sa mga ito.

Nabanggit din ng dalawa ang ilang mga pagsubok na naranasan nila sa pagiging personal secretary ng kanilang mga high school best friends.

“Ay, wala! hindi pa naabot sa akin yung 13th month [pay] eh!” biro ni Pat. 

“Struggle kasi first time kong mag-adjust or magbigay ng boundaries,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Hannah: “Sa akin naman, katulad ni Pat, at first, hindi rin kami [nag-click] agad. Pero, nagkaroon kami ng gap noong nagwo-work na.”

At syempre, hindi pinalampas ni TP Wild Cat Clouie na usisain ang love life nina Pat at Hannah.

“Kanino kayo nagka-crush dito sa Payamansion at bakit?” ani Clouie.

Nakaligtas sa nasabing katanunga si Hanna dahil taken na ito. Ngunit ayon kay Pat,  “Ang pinakagusto kong ugali noong unang nandito ako yung approachable, mabait, is si…” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.