Zeinab Harake Grateful for Cong TV and Viy Cortez’s Vlogging Influence

Isa si Zeinab Harake sa mga maituturing na pinakasikat at matagumpay na YouTube content creator sa bansa. Sa tulong ng kanyang 13.2 million “Zebbies,” hindi maikakaila na isa si Zeinab sa mga tanyag na vlogger ng kanyang henerasyon. 

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, naging malaki ang impluwensya nina YouTube power couple Cong TV at Viy Cortez sa naging karera sa vlogging ni Zeinab.

“Hindi ko sila makakalimutan”

Sa panayam ng batikang host na si Luis Manzano kay Zeinab Harake sa kanyang YouTube talk show na “Luis Listens,” inamin nito na sina Cong at Viy ang nagtulak sa kanya para sumabak sa vlogging. 

Kwento ni Zeinab, bago siya maging YouTube content creator, madalas na syang nagiging bahagi ng mga viral Facebook posts bilang “ideal girl.”

Pero nang tanungin kung paano sya napasok sa vlogging, sinabi nitong bukod sa kanyang editor na John Ryan Santos, a.k.a Muning, sina Cong at Viy ang unang nag udyok sa kanya na mag vlog. 

“Kasi lumalabas na ko sa vlogs tapos mas pinilit pa ako nila Ate Viy Cortez, asawa ni Kuya Cong. Hindi ko talaga sila makakalimutan, lagi ko yun sinasabi,” kwento ni Zeinab. 

“Sila yung parang nagsasabi na ‘Sayang naman yung bunganga mo, mag vlog vlog ka!’ dagdag pa nito. 

Ayon kay Zeinab, noon pa man ay naging magkaibigan na sila ni Viy at lagi silang magkasama kung kaya nahikayat din sya ng mga ito na gumawa ng YouTube channel.

“Tapos sabi nya ‘mag vlog ka,’ pinu-push na nila ko, tapos ayun na, gumawa ako ng YT channel ko. Yung mga followers ko sa social media, naglipatan sila sa YT, ganon!” 

Tinulungan din aniya sya nina Cong at Viy na matuto kung papaano ma-monetize or mapagkakitaan ang kanyang YouTube channel. 

“Noong nag start ako sa YouTube, six months na wala akong sinahod kasi hindi monetized yung account ko.”

“Tinutulungan pa talaga ako nung mga friends ko na nasa YouTube na. Yan sila Kuya Cong, chineck nila yung YT ko kasi hindi talaga kumikita yung mga unang videos ko kasi hindi ako monetized.

Watch the full interview below: 

Kath Regio

Recent Posts

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 hour ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

1 hour ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

This website uses cookies.