Hindi natatapos ang mga palaro dahil muli na namang sumubok ang Team Payaman ng isang online game na kinagigiliwan ngayon sa internet.
Ngunit kakaiba ang setup ng palaro ni TP Wild Dogs Aaron Macacua, a.k.a Burong, dahil play-at-home muna ang kanilang peg for today’s video!
Bagamat nahihilig ngayon ang TP Wild Dogs sa kakaibang adventure, timeout muna sila sa pisikal na palaro dahil virtual reality mode muna ang grupo gamit ang larong PlayerUnknown’s Battlegrounds o PUBG.
Sa bagong vlog ni Burong, ibinahagi nito ang naging takbo ng kanilang laro laban sa mga virtual zombies.
Present sa nasabing palaro sina Team Payaman boys Cong TV, Junnie Boy, Boss Keng, Beigh, Burong, at Team Payaman editors na sina Steve, Bods at Carlo.
Kaliwa’t kanan ang POV na matutunghayan sa nasabing vlog, dahilan upang mas maging exciting ang panonood ng laban ng Team Payaman kontra virtual zombies ng PUBG.
Bagamat hindi nagtagumpay ang TP Wild Dogs sa laban kontra sa mga zombies ng PUBG, masayang karanasan ito para sa kanila dahil hindi nawala ang sigawan, tawanan, at “friendly trash-talk” sa pagitan ng magkakaibigan.
Umani naman ng papuri ang editor ng nasabing vlog dahil sa kakaibang galing nito sa pagsasabuhay ng virtual match ng Team Payaman kontra zombies.
Rae Jefferson Banay: “Props sa editor. Mahirap mag-edit ng ganito na may kanya-kanyang POV.”
Kristine Mae: “Ang galing ng editor nito and sobrang entertaining nung mga ganitong content kuya Burong!! More pa!”
Samantala, marami rin ang natuwa sa ganitong uri ng upload ng Team Payaman kung kaya’t kaliwa’t kanan ang paghikayat ng netizens ng mga gaming videos mula sa TP Wild Dogs.
Mabbie Mula: “Sa wakas nag-upload na din [ang] Team Payaman. Nakailang ulit na ako sa mga vlogs nyo pati podcast.”
Unleash Alonzo: “Yown, Boss Burong! Sunod kayo ni Kevs mag-upload!”
Juan Tamad: “More na ganito, Burong! Pawer hahaha”
Watch the full vlog below:
The energy at SM Center Muntinlupa was electric as the Viyline MSME Caravan kicked off…
Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat ng kanta…
Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…
Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…
The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…
Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…
This website uses cookies.