Team Payaman Throws All Out Support for Chino Liu’s Movie ‘An Inconvenient Love’

The long wait is finally over! Mapapanood na sa sinehan ang pelikulang pinagbibidahan ng Next-Gen Phenomenal Love Team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala sa bansag na DonBelle.

Noong Martes, Nov. 22 ay ginanap sa SM Megamall ang inaabangang premiere night ng pelikulang “An Inconvenient Love.” Ang pelikulang ito ay ang pagbabalik sa takilya ng Star Cinema matapos ang higit dalawang taon ng pandemya. 

Todo suporta naman ang Team Payaman sa pambato nila sa aktingan na si Tita Krissy Achino, a.k.a Chino Liu, na isa sa mga bida sa nasabing pelikula. 

Spotted sa premiere night ng “An Inconvenient Love” ang ilang Team Payaman members para personal na nasaksihan ang pinagmamalaking pelikula ni Chino. 

All Out Support

Bago pa man opisyal na ilabas sa publiko ang nasabing pelikula, personal na dumalo ang ilang Team Payaman members sa advance screening ng “An Inconvenient Love.”

Kabilang sa mga dumalo sa premiere night ay sina Junnie Boy, Vien Iligan-Velasquez kasama ang anak nilang si Mavi. Present din ang mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez at iba pang Team Payaman members na sina Clouie Dims at Eve Marie Castro. 

Rumampa ang grupo sa nasabing red carpet premiere at sinalubong ng suporta ng fans ng DonBelle. 

Labis namang ikinagulat ng mga DonBelle fans ang pagdating ng mga ito kung kaya hindi pinalampas ang pagkakataon upang makapag-papicture kasama ang ilang miyembro ng pinakasikat na vlogger group sa bansa. 

An Inconvenient Love, Now Showing!

Ang An Inconvenient Love ay pinapangunahan ng DonBelle kasama ang ilan pang mahuhusay na aktor gaya nina Iana Bernardez, Sheenly Gener, Adrian Lindayag, Epi Quizon, Matet de Leon, Tirso Cruz III, Maxene Magalona, JC Alacantara, at Tita Krissy Achino ng Team Payaman. 

Sabay-sabay nating suportahan ang pagbabalik ng Star Cinema sa mga sinehan mula November 23. Mapapanood na ang An Inconvenient Love sa mga malalapit na sinehan sa inyong lugar!

Yenny Certeza

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

20 hours ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

2 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

3 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 days ago

This website uses cookies.