Noong Nov. 18 ay ipinagdiwang ni Team Payaman member Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang kanyang kaarawan kasama ang pamilya at nobyang si Clouie Dims.
Sa bagong vlog ni Team Payaman Wild Cat Clouie, ibinahagi nito ang ilan sa mga kaganapan sa simpleng birthday celebration ni Dudut.
“Birthday na ni Dudut, birthday na ni Dudut, birthday ni Dudut ngayon! Get get aw!”
Tiyak na napakanta rin kayo ni Sexbomb Clouie, este, TP Wild Cat Clouie matapos ibahagi ang pagbati nito sa anyang longtime boyfriend na sin Dudut.
Hands on jowa ang peg ni Clouie sa kanyang mga paandar para sa birthday ni Dudut na kanyang sinimulan sa pag pick-up ng cake na kinuha pa niya sa pinsan nitong nagtatrabaho sa isang pastry shop.
Pagkuha ng cake, deretso na agad ng Payamansion si Clouie upang sorpresahin ang nobyo nito dala ang paborito nitong mga cake.
Kasama ang iba pang miyembro ng Team Payaman, sabay-sabay nilang kinantahan si Dudut at Boss Lim, ang personal driver nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar, na sabay ang kaarawan noong Nov. 18.
Matapos ang kainan sa Payamansion, rekta “bebe time” ang mag-nobyong Dudut at Clouie upang ipagdiwang pang ang kaarawan ni Dudut.
Magkasamang nanood ng pelikula ang dalawa, kumain, at tuluyang namasyal upang kumpletuhin ang mini birthday celebration ni Dudut.
Sabay na ring bumili ng regalong laruan sina Dudut at Clouie para sa ika-4 na kaarawan ni Team Payaman baby Mavi Velasquez – ang panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez.
Watch the full vlog below:
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
This website uses cookies.