Netizens Poke Fun at Team Payaman Editors’ Brewing ‘International Bromance’

Ikinatuwa ng netizens ang tila namumuong “bromance” sa pagitan nina Team Payaman video editors Carlo Santos at Ephraim Abarca. 

Lingid sa kaalaman ng lahat, si Carlo Santos ay nagsisilbing videographer at editor ni Viy Cortez, habang si Ephraim Abarca, a.k.a Eph naman ay videographer at editor ni Cong TV

Kasama nina Cong at Viy ngayon ang dalawa sa kanilang Singapore-Malaysia trip. Pero bukod sa malulupit na pagbibigay buhay nila sa mga vlogs ng Team Payaman, tila may bagong inaabangan ang netizens kina Carlo at Eph. 

International Bromance

Nagsimula ang lahat sa isang TikTok post ni Carlo na nagsasabing “Normalize travel with tropa.”

Sa nasabing video, kitang-kita na nag-eenjoy ang dalawa sa pagpasyal nila sa Universal Studios Singapore kasama ang Team Payaman power couple. 

Hindi rin maitatanggi ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa na kalaunan ay nauwi sa halakhakan. 

Sa isa pang TikTok entry, ipinakita naman ni Eph ang kanilang bagong destinasyon sa Legoland Malaysia. Gigil naman ang inabot nito sa kapwa Team Payaman editors na kinaaliwan ng netizen. 

Samantala, hindi rin nagpaawat ang dalawa ang mangulit sa isang Facebook post ni Viy Cortez. Sa nasabing post, inihalintulad ni Viy ang relasyon nila ni Cong TV sa Petronas Tower ng Malaysia dahil hindi aniya ito maghihiwalay. 

Dito na inilabas ni Carlo ang bersyon nila ng larawan ni Eph na magkahawak kamay at nagtitittigan pa sa harap ng Petronas Tower. 

“Kami din po madam Viy Cortez,” hirit pa ni Carlo. 

Netizens React

Dahil sa nakakaaliw na TikTok videos at litrato nina Carlo at Eph, hindi napigilan ng netizens na pagkatuwaan ang kanilang namumuong “bromance.” 

Ayon sa ilang netizen, tila kinikilig na sila sa biruan ng dalawa, habang ang iba naman ay sinabing inaabangan na nila ang mga susunod na pakulo nina Carlo at Eph. 

E R I K A: “travel na may halong bromance.”

Ellehcxrr: “tawang tawa talaga ko sa humor ng dalawang to HAHAHAHA”

Henrik: “pre kinilig ako”

Jhaz Mhine: “daig pa bagong engaged”

Vie Kka: “hahahahahHha inaabangan q talaga to sa tiktok”

Enye Mwehehe: “nag kaka developan na yung dalawa mossing HAHAHAH”

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.