Kevin Hermosada Pens Perfect ‘Team Payaman Christmas Song’ to Mark His Birthday

Isang buwan bago sumapit ang Pasko, isang malupit na Christmas Song ang hatid sa’tin ng Team Payaman boys sa pangunguna ni editor-turned-vlogger/ band vocalist Kevin Hermosada. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni “Libre” band frontman ang naging karanasan nito sa pagbuo ng kanta dala na rin ng hamon ni Team Payaman bossing Cong TV. 

Payamansion Christmas Caroling

Bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, naisipan ni Kevin Hermosada na magsagawa ng Christmas Caroling sa kapwa nya Team Payaman members sa Payamansion. 

Pero imbes na mag solo flight ay nagtawag ng “back up” si Kevin para makabuo ng grupo sa binabalak nyang pagka-caroling.

Kabilang sa mga nahikayat nitong sumama sa kanyang trip ay sina Team Payaman editors Jocen, Ephraim, at Carlo, pati  na rin nina Team Payaman vloggers Mentos at Steve Wijayawickrama.

Challenge Accepted

Pero nang malaman ni Cong TV ang plano ng grupo, binigyan niya ito ng hamon na hindi naman inurungan ng grupo. 

“Kanino kayo magka-caroling? Anong kakantahin nyo?” tanong ni Cong TV.

“Ang gusto ko pag magbibigay (ako ng pamasko) kailangan original yung kanta!” dagdag pa nito.

Naglatag din si Cong TV ng ilang pamantayan para pumasa ang Team Payaman Christmas Caroling group sa kanyang standards. Kailangan makabuo ang grupo ng isang original Christmas song na papatok sa mga manonood. 

Song Writing

Agad nagpulong ang grupo at sinimulan ang pagsulat ng tinaguriang Team Payaman Christmas Song. Sa loob ng dalawang oras ay nakumpleto ng nila ang letra at tono ng bagong kanta. 

“So ayun ano, mangaroling na tayo para may pang birthday!” ani Kevin Hermosada. 

Pero bago tuluyang iparinig kay Cong TV at buong Team Payaman ang kanilang pamaskong handog, nangaroling muna sa kapitbahay ang grupo para makalikom pa ng panghanda sa kaarawan ni Kevin. 

Payamansion Carolling

Isa-isang ipinakilala ni Kevin ang kanyang “Bandmates” na sina Jocen at Ephraim bilang gitarista, Carlo bilang percussionist, at Steve at Mentos bilang dancers. 

Dito ipinamalas ng grupo ang kantang pinamagatang “Araw Araw Pasko.” Sa huli, hindi napigilan ng Team Payaman boys na mamangha sa Christmas Song ng grupo.

Ipinakita rin ni Kevin kung paano nito ipinamahagi ang munting handa na spaghetti sa ibang tao.  

Samantala, kanya kanya namang petisyon ang netizens na gawing opisyal na track record ng grupo ang nasabing kanta at bumuo ng Team Payaman Christmas Station ID. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Ninong Ry Meets Gordon Ramsay at ‘Masterchef’-Inspired Show in Manila

Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…

9 hours ago

This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…

14 hours ago

How to Score a Meet and Greet Pass With Viy Cortez-Velasquez at the VIYLine MSME Caravan

In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…

1 day ago

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

2 days ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

2 days ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

6 days ago

This website uses cookies.