Junnie Boy Gets Emotional as Son Mavi Turns 4

Matapos ipakita ni Vien Iligan-Velasquez ang naging preparasyon para sa ika-apat na kaarawan ng panganay nila ni Junnie Boy, hatid naman ngayon ng Junnie-Vien couple ang pasilip sa naganap na birthday party ni Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi.

Hindi naman napigilan ni Daddy Junnie na maging emosyonal sa pagbibigay ng mensahe sa kanilang panganay na magiging ganap ng kuya sa susunod na buwan. 

Pre-Birthday Celebration

Noong Sabado, Nov.19, ipinagdiwang ang ika-apat na kaarawan ni Mavi. Tinupad nina Mommy Vien at Daddy Junnie ang hiling ni Mavi na magkaroon ng birthday party sa paborito nyang fastfood chain na McDonald’s. 

Sa bagong vlog ni Mommy Vien, ibinahagi nito ang simpleng “birthday salubong” para sa kaarawan ni Mavi. Bitbit ang munting regalo, inawitan nila si Mavi ng “Happy Birthday Song” kasama ang iba pa nitong tito at tita sa Payamansion. 

“Banana!” laking gulat ni Mavi sa kanyang natanggap.

Ngunit hindi alam ni Mavi na higit pa sa isang saging ang naghihintay sa kanyang birthday celebration kinabukasan.

Mavi’s Birthday Bash

Kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya, masayang ipinagdiwang ni Mavi ang kanyang ika-4 na kaarawan.

Ginanap ang kanyang birthday celebration sa McDonald’s Southwoods sa Biñan, Laguna, na may temang “Cars” at “Lighting McQueen” alinsunod sa request nito sa kanyang mommy at daddy.

Hindi rin nawala ang ilan sa kanyang mga tito at tita sa Payamansion na nakiisa sa kanyang birthday celebration.

Bagamat nasa ibang bansa ang kanyang Tita Viy Cortez at Tito Cong TV, nangako naman ito ng regalo pag-uwi.

“Happy birthday babylove! Bawi nalang si Tita Viviys at Tito Cocon sa’yo pag-uwi [namin]!” ani Viy Cortez sa kanyang IG story.

Emotional Birthday Message

Hindi naman nagpahuli ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez sa pagbibigay ng mensahe para sa kanilang unico hijo.

“Gusto n’ya kapag may nagagawa s’yang maganda, gusto n’ya nakikita namin,” kwento ni Daddy Junnie nang tanungin kung paano n’ya ilalarawan ang anak.

“Actually, ang gusto n’ya pinupuri s’ya sa mga achievements [n’ya],” ayon naman kay Mommy Vien.

Hindi naman napigilan ni Daddy Junnie ang kanyang emosyon ng tila kausapin ng mag-asawa ang future teenager self ni Mavi. 

“Kung pinapanood mo ‘tong video na ‘to Mavi, tignan mo ‘yung mga video mula dito pababa, para pagdating ng panahon makita mo kung ano ginagawa namin ng mommy mo para mapasaya ka kasi sobrang mahal na mahal ka namin,” ani Junnie Boy. 

Dagdag naman ni Mommy Vien: “Anak if you’re watching this, ang gusto ko lang sabihin sa’yo ay alam kong magiging mas mabuting kuya ka pa [kay Viela] at alam kong magiging mabuting bata ka pa kasi napapaligiran ka ng mga mabuting tao sa paligid mo.”

“Ang gusto ko lang sabihin sa’yo, kung ano man or kung may mga hindi tayo pagkaka-intindihan, lagi mong iisipin na mahal na mahal ka namin.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.