Team Payaman Gears Up for Boss Keng’s ‘Balloon Wars’

Muling nagbabalik ang malulupit na hamon at palaro ng nag-iisang Boss Keng ng Team Payaman! At gaya ng nakasanayan, game na game na nakilahok dito ang Team Payaman boys, a.k.a Wild Dogs. 

Sa tulong ng Batang Loma Game Site Venue, matagumpay na naisagawa ang Balloon Wars ala Team Payaman at narito ang ilan sa mga kaganapang hindi mo dapat palampasin!

Balloon Wars, Beybe!

Sa kanyang bagong vlog, muling sumabak ang Team Payaman boys sa isang “next level” na laro na inihanda ng tinaguriang “game master” ng grupo. 

Ang nasabing palaro ay tinawag na “Balloon Wars” kung saan limang grupo ang naglaban-laban. Ang mekaniks ng laro ay simple lang, ang bawat team ay may anim na lobo at kailangan itong putukin gamit ang airsoft guns. Ang team na may matitirang lobo ay siyang hihirangin na panalo. 

Ang mga grupo ay binubuo ng mga tandem nina: Steve at Mentos, Beigh at Burong, Dudut at Bok, Carding at Kevin, at Boss Keng at Cong TV.

Kaliwa’t-kanan na ang paglatag ng mga strategies ang TP Wild Dogs upang hirangin na mga kampyon sa nasabing palaro.

Una nang naputukan ng lobo ang red team, o ang tambalang Mentos at Steve na sinundan naman ng violet team o tambalang Dudut at Bok.

Naging mahirap ang takbo ng laro dahil talaga namang palaban sa pag-protekta ng kani-kanilang mga lobo ang TP Wild Dogs.

Samantala, chilling like a boss naman ang peg ni Boss Keng habang nag-aabang sa kanyang mga kalaban. 

“Oh bossing dito muna tayo, vape vape muna!” ani Boss Keng kay Cong TV.

Pero agad din naman itong binulaga ng  tambalang Dudut at Bok dahilan upang kumaripas ito ng takbo papalayo.

Matapos ang walang tigil na barilan, sumunod na rin ang tambalang Boss Keng at Cong TV sa mga naligwak sa palaro.

Balloon Wars Champ

Sa huli, itinanghal na panalo ang green team ng tambalang Burong at Beigh. Kalaunan ay nagharap ang dalawa sa isang final challenge kung saan ang silang dalawa mismo ang maglalaban. 

Agad din namang tinalo ni Burong si Beigh dahilan upang hirangin siya bilang “Balloon Wars Champ” ng Team Payaman.

At syempre, hindi pinalampas ni Burong na balatuhan ang kanyang mga kasapi sa Team Payaman: “‘Wag kayong mag-alala, dahil ngayong araw, sagot ko ang meryenda n’yo!” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

2 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

2 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

4 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

4 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

4 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

5 days ago

This website uses cookies.