Matapos ang usapang katatakutan at usapang paghahanda sa hinaharap, back to “Dr. Love” vibes muli ang Team Payaman boys.
Sa pinaka bagong episode ng Payaman Insider podcast sa Spotify, tinalakay nina Junnie Boy, Burong, Boss Keng, at Tier 1 Entertainment Co-Founder Tryke Gutierrez ang tila mapanakit na paksa na may kinalaman sa pag-ibig.
Para sa kanilang Nov. 11 episode, pinag usapan ng mga podcast host kung kailan nga ba dapat huminto na ipaglaban ang isang tao o pagmamahal.
Unang pinag diskusyunan ng ating mga “lover boys” kung paano ba malalaman ng isang tao kung dapat na nitong ihinto ang pilit na pagsalba sa isang relasyon or pagmamahalan.
Ayon kay Tryke Gutierrez: “Meron akong paniniwala na may dalawang bar ang buhay. Ito yung sakit ng ulo bar at happiness bar. Pag yung sakit ng ulo bar mas mataas sya sa happiness bar, tama na!”
Para naman kay Junnie Boy, kung ang klase ng relasyon ay naapektuhan na kabuuang “vibe, energy, at peace” ng isang tao, hindi na ito karapat dapat ipaglaban.
“Dapat siya ang pahinga mo. After ng stressful day ng work at then end of the day pag uuwi ka sa kanya dapat siya ang peace mo, sya ang rest mo,” dagdag naman ni Burong.
Sa huli, binigyang diin ng Payaman Insider boys ang kahalagahan ng komunikasyon sa isang relasyon.
“Communication is the key to success. Lahat ng bahay, panget na bagay o magandang bagay man, as long as napag uusapan nyo, walang problema,” ani Boss Keng na higit 13-taong karelasyon si Pat Velasquez-Gaspar bago magpakasal noong 2021.
Sinegundahan naman ito ni Boss Tryke at sinabing: “May power sa pag verbalize ng problema, kahit hindi pa na-solve nakaka lessen ng burden.”
Ibinahagi naman ni Burong ang isa sa mga ultimate lesson na natutunan nya pagdating sa relasyon.
“Hindi porket lalaki ako, hindi lang ako yung better. Kasi kung nakikita ko ‘tong tao na ‘to as someone na makakasama ko in the future, I cannot hold my ground on my own. Dapat meron kasama or katulong na better din,” paliwanag ni Aaron Macacua.
“Hindi mo kayang buhatin mag-isa ang buhay mo. Kung may partner ka ngayon, aim na maging better kayo pareho in life, hindi lang ikaw,” dagdag pa nito.
Listen to the full episode below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.