Team Payaman Surprises Vien Iligan-Velasquez with a Baby Shower Party

Ilang linggo bago tuluyang isilang ni Vien Iligan-Velasquez ang ikalawang supling nila ni Junnie Boy, isang simpleng baby shower ang inihanda ng Team Payaman bilang pagsalubong kay Baby Alona Viela Velasquez. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 25-anyos na YouTube content creator ang ilan sa mga kaganapan sa likod ng surprise baby shower na ginanap kamakailan lang sa Wagyuniku by Pat & Keng sa BF Aguirre, Parañaque City.  

The surprise

Upang iparamdam kina Mommy Vien at Daddy Junnie ang kanilang excitement sa pagdating ni Baby Viela, isang surprise baby shower ang inorganisa ng Team Payaman sa pamumuno ni Pat Velasquez-Gaspar

Ayon kay Pat, sinadya nilang i-reserve ang Wagyuniku BF Aguirre branch upang magbigay daan sa munting surpresa kay Vien. 

Pagdating sa nasabing Japanese-Korean BBQ Grill restaurant, hindi napigilan ni Mommy Vien na maging emosyonal sa surpresa sa kanya. 

Bukod sa buong Team Payaman, present din sa nasabing okasyon ang mga college bestfriends ni Vien at kanilang kamag anak mula sa Velasquez at Iligan family. 

Games and more!

Syempre hindi kumpleto ang baby shower party kung walang kwelang games na sinalihan ng ilang Team Payaman members.

Una na rito ang charades kung saan itinanghal na kampeon sina Pat at Viy Cortez matapos mahulaan ang salitang “baby girl.”

Hindi naman nagpahuli ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na nahulaan ang salitang “breastfeed” sa loob lang ng tatlong segundo. 

Samantala, nagkaroon naman ng gift unboxing si Mommy Vien kung saan nakatanggap ito ng mga regalo gaya ng baby blanket, baby clothes, baby booties, nursing pillow, feeding set, at iba pa. 

Labis naman ang naging pasasalamat ni Mommy Vien sa surpresang hatid sa kanya ng Team Payaman. 

“Thank you po  sa inyong lahat. Sa mga nagbigay ng regalo at sa mga nagpunta dito sa surprise baby shower,” ani Mommy Vien. 

Biro naman ni Junnie: “So babawi kami sa baby shower nila Pat-Pat (Pat Velasquez-Gaspar), doon naman tayo Pay-a-Wash (laundry shop)! Pili na lang kayo, sa Pay-A-Wash o sa Be Rich (water station)!”

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.