Pat Velasquez-Gaspar Shares Sneak Peek of Soon-to-Open ‘Glam Central by Pat & Keng’

Panibagong negosyo na naman mula sa Team Payaman ang tiyak na aabangan at tangkilikin ng publiko sa mga susunod na araw. 

Sa kanyang bagong vlog, pinasilip ni Pat Velasquez-Gaspar ang ilang update sa kanyang salon business na Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng.

Handa na ba ang lahat magpaganda at mag relax ngayong Holiday Season? Sagot na ng Glam Central yan!

Glam Central Interior Design

Sa nakaraang vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, inanunsyo nito ang pagbubukas ng kanilang bagong negosyo ng asawang si Boss Keng. Kung noon ay tila “empty canvass” pa ang itsura ng shop, ngayon ay unti-unti na itong nabubuo. 

Buong galak na ipinakita ng 26-anyos na vlogger ang ilan sa mga pagbabago sa nasabing salon na magsisilbing one-stop shop para sa mga nais mapaganda at mag relax. 

Ayon kay Mrs. Gaspar, ang interior design ng Glam Central by Pat & Keng ay hango sa pinaghalong konsepto ng Scandinavian at Earthy design.  

“Ma-wood siya tapos yung kulay nya nude, saka clean yung pinaka (shop ng) Glam Central,” paliwanag ni Pat. 

“Kasi gusto ko Instagrammable, malinis, maganda. Minimalist aesthetic sya, yan!” dagdag pa nito.

At bilang paghahanda sa grand opening ng nasabing negosyo ay dumalo si Mrs. Gaspar sa Hair Asia expo kasama ang team Glam Central by Pat & Keng. Inilarawan ni Pat ang nasabing expo bilang “most anticipated event in the hairstyling industry.”

“I’m so happy na naka-attend ako dito kasi as an owner ng isang salon and spa, dapat familiar ka sa mga brand, tools, equipment, and products in the market,” ani Pat sa isang TikTok post.

“And of course, para makapag provide ka ng best service, dapat best din ang gamit mo kaya naman yung mga kulang pa namin for opening dito na namin binili kasi sobrang mura,” dagdag pa nito.

Mass Hiring

Samantala, muling inanyayahan ni Pat Velasquez-Gaspar ang mga indibidwal na nais maging parte na kanilang negosyo. 

Patuloy ang paghahanap ng Glam Central ng iba’t-ibang beauty experts na kukumpleto sa kanilang grupo. Sa ngayon ay naghahanap nila ng karagdagang hair stylist, nail technician, lash technician, at massage therapist. 

“This November 16 and 17 meron po kaming hiring. Kung interested po kayo, pumunta po kayo sa Team Payaman Playhouse. Magdala kayo ng inyong resume or pwede rin kayong mag send ng inyong CV and portfolio sa glamcentralsaloncavite@gmail.com.”

Ang Glam Central Salon and Spa by Pat & Keng ay matatagpuan sa Unit 21-22 Plazuela de Molino, Molino Blvd., Bacoor City, Cavite. Inaasahang magbubukas ito sa publiko bago matapos ang buwan ng Nobyembre 2022. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.