GMA’s iJuander Features BigRoy’s Boodle Fight by Team Payaman

The only way is up ika nga ni Team Payaman headmaster Cong TV dahil tampok lang naman ang kanyang food business na Big Roy’s Boodle Fight by Team Payaman sa isang infotainment show ng GTV na iJuander.

Bukod sa kanyang matagumpay na business venture ay naitampok din sa nasabing palabas ang ilan sa mga hindi malilimutang kaganapan sa kasaysayan ng pinakasikat na vlogger group sa bansa, ang Team Payaman.

Team Payaman on TV

Sa pinakabagong episode ng iJuander, tampok ang tinaguriang “The Best Boodle Fight Restaurant of the South,” ang Big Roy’s Boodle Fight by Team Payaman na pagmamay-ari ng 31-anyos na vlogger na si Cong TV at kababata nitong si Anthony John Navea.

Screenshot from GMA Public Affairs YouTube Channel
Screenshot from GMA Public Affairs YouTube Channel
Screenshot from GMA Public Affairs YouTube Channel

Dala ng usapang boodle fight, hindi nawala sa listahan ang Big Roy’s dahil bukod sa masarap na putahe nito ay talaga namang abot kaya ang presyo nito. 

Ibinahagi ni Cong TV ang isa sa dahilan ng kanyang pagbubukas ng sariling boodle fight restaurant. 

“After nung pandemic, [kapag]  kasama mo yung pamilya mo, nami-miss mong kumain ng sabay-sabay, magkakasama kayo.”

Bukod sito, nabanggit din ng first-time dad sa iJuander team na malapit nsa kanyang puso ang nasabing negosyo dahil sa madalas na pagsasalo kasama ang malalapit na pamilya at kaibigan.

Screenshot from GMA Public Affairs YouTube Channel

Solid Treat for a Solid Team Payaman Fan

Ibinida rin sa nasabing palabas ang isa sa mga matagal nang sumusuporta sa grupo ng Team Payaman na si Joyce Fulgencio.

Aniya, 2016 pa lang ay taga-haga na siya ni Cong TV at ng buong Team Payaman. 

“Noong grade 10 po ako, narinig ko po yung expression na ‘Pawer’ [so] na-curious po ako. Hanggang sa pinanood ko na po sila,” pagbabahagi ng dalaga. 

Screenshot from GMA Public Affairs YouTube Channel
Screenshot from GMA Public Affairs YouTube Channel

Bilang pasasalamat sa mga biyayang kanyang natanggap, binigyan ni Cong TV ng blowout ang isa sa kanyang milyun-milyong taga-hanga na si Joyce.

Isang munting regalo ang hatid ni Cong TV para kay Joyce at kanyang barkada —libreng boodle fight fiesta mula sa Big Roy’s Boodle Fight by Team Payaman sa Pasay City.

At syempre, hindi rin pinalampas ng ni Cong ang oportunidad upang ipahatid ang kanyang pasasalamat sa naturang tagahanga.

Screenshot from GMA Public Affairs YouTube Channel

“Madam Joyce, maraming maraming salamat sa pag-suporta mo palagi sa Team Payaman. Sana magtagumpay ka sa karerang tinatahak mo, and ayon God bless sa’yo, and sana ma-meet kita soon,” ani Cong TV.

Sagot naman ng dalaga: “Thank you, Cong TV and whole Team Payaman!” 

Watch the full episode here:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.