WOW! VIYLine Items Sold Out in 2 Hours During 11.11 Super Mega Sale

Wiped Out. Sold Out. Simot. Ubos!

‘Yan ang sinapit ng stocks ng VIYLine Cosmetics sa kakatapos lang ng 11.11 Super Mega Sale nitong Biyernes, Nov. 11, 2022. 

Bukod kasi sa bagsak-presyo sa naganap na 1-DAY Sale ay talaga namang inabangan ng lahat ang mga bagong produkto ng VIYLine Cosmetics gaya ng sampung bagong shades ng Aqua Crea Mini, Wild 2-in-1 Eyeshadow and Highlighter, at Glimmer BB Loose Powder. 

Samu’t-saring pakulo rin ang hatid ni VIYLine Group of Companies CEO Viy Cortez na syang nanguna sa pagsalubong sa orders ng kanyang mga masugid na tagahanga. 

Live salubong with freebies

Pagpatak ng alas-dose ng madaling araw ng Nov.11 ay gising na gising pa rin ang 26-anyos na vlogger na si Viy Cortez para magbenta gamit ang kanyang TikTok shop. 

Kasama ang longtime boyfriend at fiancee nitong si Cong TV, game na game na inasikaso ng dalawa ang mga pumapasok na orders kasabay ng 11.11 Super Mega Sale. 

Sa pamamagitan ng “Lucky Spin” roleta ay namigay din ang mga ito ng iba’-ibang freebies sa maswerteng buyer na mabubunot nila. Kabilang sa mga pinamigay na regalo ay ang mga sumusunod: 

  • Aqua Cream Baninay shade
  • Aqua Cream Zendee shade
  • Stained Glossy Balm Pink shade
  • HD Matte Tint set
  • VIYLine Skincare Kojic Soap
  • VIYLine Skincare Peeling Soap
  • VIYLine Skincare Diamond Glow Lotion with SPF 50
  • VIYLine Skincare Ivory Instant White Lotion

Umiral naman ang pagiging mapagbigay nina Cong at Viy dahil may pagkakataon higit pa sa isang freebie ang nilagay nito sa parcel pouch ng maswerteng buyer. Paawer!

Sold Out!

Sa unang dalawang oras ng 11.11 Super Mega Sale ay tila nasimot na agad ng mga Viviys at Team Payaman fans ang stock ng mga produkto na inihanda ni Viy Cortez. 

Kabilang sa mga produktong agad naubos ay ang sampung bagong shades ng Aqua Cream Mini, Wild 2-in-1 Eyeshadow and Highlighter, at Glimmer BB Loose Powder. 

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Viy na umabot ng higit 19,300 ang kabuuang order matapos ang kanyang tatlong oras na TikTok live selling kasama si Cong TV. Bukod pa rito ang mga pumasok na orders mula sa official Shopee at Lazada shops ng VIYLine, at maging ang mga natanggap na orders ng distributors at resellers ng VIYLine Skincare. 

Ayon pa sa isang TikTok post ni Viy,  ang dapat sanay stock ng mga produkto hanggang sa susunod na sale sa Dec. 12 ay naubos na rin! 

Samantala, wala naman aniyang dapat ipag-alala ang mga hindi nakaabot sa naturang sale dahil tiyak na magre-restock muli ang VIYLine ng mga produkto sa lalong madaling panahon. 

Manatiling nakatutok sa mga official Facebook pages ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare, para lagi kayong updated sa mga bagong produkto ni Viy Cortez.

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.