LOOK: Team Payaman’s Vien Iligan-Velasquez Stuns in Maternity Photoshoot

Diyosa! Ito ang perpektong salita na naglalarawan kay Team Payaman member Vien Iligan-Velasquez sa pasabog nitong maternity photoshoot. 

Nag-uumapaw ang pregnancy glow ng 25-anyos na vlogger na ngayon ay walong buwang buntis sa ikalawang supling nila ng asawang si Junnie Boy – nakababatang kapatid ni legendary YouTube content creator Cong TV

Bago tuluyang ipanganak ang bunso nilang si Baby Alona Viela Velasquez, nagpasabog muna ng kagandahan si Vien sa social media kung saan napa “sana all” na lang ang lahat.

Blooming si buntis!

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Mommy Vien ang ilang mga larawang kuha ng kanilang go-to photographer na si Bella Morcen.

Sa tulong ni TikTok-famous makeup artist Paul Unating, hairstylist Dominic Mangat (hairsetbydoms) at ng stylist na si Ica Villanueva, nag-ala diyosa si Mommy Vien sa kanyang “dreamy-themed” maternity shoot. 

Sagot naman ng Mago Events ang kabuuang set design at pag-transform ng isang kwarto sa Payamansion. 

Hindi naman nagpa-awat si Daddy Junnie na gawing mas exciting ang nasabing photoshoot sa pamamagitan ng paggawa ng kanyang sariling bersyon. 

Nabalitaan ng VIYLine Media Group (VMG) na dalawang tema lang ang inihanda nila Vien para sa nasabing photoshoot. Pero dahil game na game mag-awra si buntis, tila nanganak ng iba pang set-up at nagkaroon si Vien ng limang iba’t-ibang layout. 

Nagtulong tulong ang buong glam team para makabuo ng iba pang set-up para sa maternity shoot ni Vien. Hindi naman nagpaawat ang blooming na buntis na sulitin ang once in a lifetime moment habang nagdadalang tao. 

Tila nagmukha namang Korean superstar si Mommy Vien sa kanyang classic black one-piece bodysuit at fuchsia pink coordinates.  

But wait, there’s more! Hollywood star ang peg ni Vien suot ang kanyang sports bra at ripped jeans habang ibinabalanda ang kanyang 34-weeks baby bump. 

Kuya Mavi

Samantala, game na game ring sumabak sa photoshoot ang mag-ama nitong si Junnie Boy at Mavi Velasquez, at kitang-kita ang excitement ng mag-ama sa pagdating ni Baby Viela. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien na simula pa lang ng mabuntis ito kay Baby Viela ay talagang sinasali nila si Kuya Mavi sa bawat aktibidad na may kinalaman sa kanyang baby sister. 

Bukod aniya sa hindi sya nagkaroon ng maternity shoot habang pinagbubuntis si Mavi, nais niyang maging parte ito ng kanyang pregnancy journey para hindi maramdaman na mawawala sa kanya ang atensyon ng lahat pag dumating na si Baby Viela. 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

2 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

3 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 days ago

This website uses cookies.