VIYLine’s 11.11 TikTok Live Selling Receive Witty Reactions from Netizen

Matapos ang matagumpay na 11.11 sale, hindi pa rin nawawala ang live selling fever na hatid ni Viy Cortez matapos ang kanyang hindi malilimutang TikTok live selling nitong Biyernes, Nov. 11, 2022. 

Kaliwa’t-kanan ang nakakatuwang reaksyon ng mga netizens na tila “nabudol” ng 11.11 Super Mega Sale live selling.

24-hour Live Selling

Bukod sa record-breaking sales, hindi rin matatawaran ang mga manonood na tumutok sa nasabing live dahil pumalo lang naman ito ng higit kumulang 19,000 viewers. Bukod kasi kay Viy Cortez, bida rin sa live selling ang kanyang longtime boyfriend at fiancee na si Cong TV

Inabangan din ng lahat ang pakulong “Spin the Wheel Freeviys” kung saan namigay ang 26-anyos na vlogger ng samu’t-saring produkto ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare

Netizens’ Reactions

Inulan ng papuri sa social media ang nasabing paandar matapos nitong matagumpay na mahikayat ang mga live viewers na bumili. Kabilang sa mga nasimot na produkto ay ang mga bagong shades ng Aqua Cream Mini, Wild 2-in-1 Eyeshadow and Highlighter, at ang Glimmer BB Loose Powder.

@poutyroan: “First budol ng eleben.eleben” matapos bumili ng 3-in-1 Aqua Cream Mini.

@kleinsmith.08: “11.11 Live kanina, super solid! Daming pa-freebies. Aliw pa kay Boss Cong!”

@ninaerikamercado23: “Nabudol na naman ako [ng VIYLine Cosmetics].”

@charlyn.nadela.3: “Miss Viy, sana po may stock na Athena at Ivory para sa glimmer. Mas bet ko po ‘yun.”

@tamyakkatchi: “Heavy budol for my birthday tomorrow. Can’t wait to try mga bagong release n’yo [VIYLine Cosmetics]!”

@shieesantos: “Solid mag-sale ang VIYLine Cosmetics super kaya agad-agad ako napa check out kagabi madam Viy nung naka-live ka sa Tik Tok. Love it!”

@macalalad.nina: “Buti naman may inabutan pa ‘ko kahit late na naka-order sayang lang hindi ako naka-abot sa Aqua Cream Mini. Bawi na lang sa 12.12”

The Aftermath

Kasabay ng kwelang roleta live selling ay ang pag imprenta ng waybills at pagbabalot ng mga orders.

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ng VIYLine CEO ang dami ng orders na kailangan balutin sa at ipadala sa mga customer. 

Biro pa ni Viviys: “Bakit single si Kha Kha, tignan n’yo naman piniprint n’ya, hahaha!” 

Add to cart na!

Bigo ka bang makapag add to cart sa nagdaang 11.11 Super Mega Sale? ‘Wag mag-alala dahil kahit walang sale ay abot-kaya ang lahat ng produkto ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare.

Bisitahin lang ang official Shopee, Lazada, at TikTok shop accounts ng VIYLine para hindi mahuli sa mga pasabog ng VIYLine. Manatili ring nakatutok sa official Facebook page ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare para sa mga karagdagang impormasyon at exciting announcements!

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.