LOOK: Junnie Boy Inks Daughter’s Initials, Reveals Baby Viela’s Full Name

Talaga namang excited na sa pagdating ng kanyang unica hija ang Team Payaman Wild Dog na si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy.

Dahil likas kay Junnie Boy ang pagkahilig sa paglalagay ng tattoo art, hindi nito pinalampas ang pagkakataon na ipa-tattoo sa kanyang katawan ang pangalan ng bunsong anak na si Baby Viela. 

See you soon, Baby Viela!

Matatandaan na inanunsyo ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang pagbubuntis sa ikalawang supling matapos ang kanilang anibersaryo noong Abril ng kasalukuyang taon.

Noong Hunyo naman, inabangan ng netizens ang gender reveal ng inaasahang bunsong kapatid ni Mavi Iligan-Velasquez.

Labis ang tuwa ng mag-asawang Junnie-Vien at kapwa Team Payaman members nang malaman na babae ang kasarian ng ikalawang supling ng nasabing Team Payaman couple.

“It’s a girl! Thank you Lord sa regalo niyo sa aming pamilya. Binigyan niyo po kami agad ng babae,” pagpapasalamat ni Mommy Vien.

Sa ngayon, excited na ang lahat sa paglabas ng bagong miyembro ng Team Payaman na si Baby Viela Iligan-Velasquez na inaasahang ipapanganak sa susunod na buwan. 

Tattoo and name reveal

Bilang paghahanda, ngayon pa lang ay naisipan na ng nakababatang kapatid ni Cong TV na ipagdiwang ang pagdating ng kanyang unica hija. Ito ay sa pamamagitan ng pagdadag ng tattoo sa kanyang katawan. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 28-anyos na vlogger na ipina-tattoo nya ang pangalan ni Baby Viela bilang simbolo ng kanyang pagmamahal para rito.

Buong tapang na ipinakita ni Junnie sa netizens ang kanyang bagong tattoo na naglalaman ng initials ng pangalan ng kanyang bunsong anak . Katabi nito ay ang nauna na nyang tattoo sa initials naman ng kanilang panganay na si Mavi. 

“Nagpa-tattoo ako guys, Von Mavi Iligan Velasquez. Ngayon, A-V-I-V,” pagbabahagi ni Junnie.

Kasunod nito ay isiniwalat na rin sa publiko ng Junnie-Vien couple ang buong pangalan ni Baby Viela. 

“So ngayon nag-isip kami, ano kaya magandang first name ni Viela? Habang nandirito kami sa Siargao, napaag-isipan namin na lahat ng gala namin, puro dagat. So yung letter A na pangalan niya ay Alona Viela Iligan Velasquez,” paliwanag ni Junnie.

Dagdag pa nito: “Lagi kaming nasa dagat, so ang nickname namin sa kanya ay ‘Alon.’” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

8 hours ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

1 day ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

1 day ago

Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…

2 days ago

This website uses cookies.