Cutie Mavi Iligan-Velasquez Stars as an Astronaut During Halloween 2022

Katatacute-an ang hatid ng unico hijo nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na si Mavi dahil sa kanyang halloween costume bilang isang astronaut.

Buong galak na ibinahagi ni proud Mommy Vien ang mga kaganapan sa likod ng pangatlong halloween party ni Mavi, a.k.a Itlog.

Mavi the Astronaut

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, buong galak niyang ibinahagi ang naging preparasyon nilang mag-ina para sa ika-tatlong halloween party ni Mavi. 

“Guys, ito, inorder ko lang sa shopee, pero tuwang tuwa ako kasi ang ganda talaga! Ang hinihiling lang naman niya ay maging… Astronaut!” excited na salaysay ni Mommy Vien.

Nag ala-Buzz Lightyear ang pormahan ng pinsan ni Baby Kidlat sa kanyang astronaut outfit dahilan upang kataCUTE-an ito ng kanyang Daddy Junnie at maging ng mga tito at tita sa Payamansion.

 “Wow!” reaksyon ng kanyang Tito Cong TV.

Namangha naman ang kanyang daddy Junnie Boy na siyang natigilan pa sa kanyang paglalaro ng computer games matapos makita si Mavi the Astronaut.

“Wow! Astroboy! You’re an astronaut?” ani Junnie.

Trick or Treat

Matapos ang kwelang pagpapalit costume ni Mavi, sinamahan ito ng kanyang Mommy Vien sa kanyang first-ever trick or treat matapos ang dalawang taong pagkakakulong sa bahay dala ng pandemya.

Nagtungo ang Velasquez family sa Dreamplay kung saan gaganapin ang taunang Trick or Treat para sa mga bata.

Nag-bihis kalansay naman si Mavi dala ang kanyang malaking pumpkin basket na syang lalagyan ng mga makakalap nyang “treats” sa nasabing Halloween event.

May pa-change costume ang unico hijo ng JunnieVien couple pagdating na pagdating sa kanilang destinasyon, dahil hindi ito papayag na hindi niya masuot ang kanyang dream costume, ang maging isang astronaut.

Game na game na nakisali si Mavi sa nasabing Trick or Treat event at naki-isa sa mga aktibidad na kanya rin namang kinagigiliwan.

At syempre, bago pa man matapos ang adventure day bilang isang astronaut, hindi pinalampas ni Daddy Junnie ang masaksihan ang special day ni Mavi.

Tinapos ng Team Giyang ang kanilang araw sa kaliwa’t-kanang pagkuha ng litrato at paggawa ng cookies bilang memorabilya sa espesyal na araw ng unico hijo nitong si Mavi.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.