Kilala si Anthony Jay Andrada o si “Yow” sa paggawa ng mga malikhaing videos na talaga namang kinagigiliwan ng mga manonood.
Maaalala na dalawang taon na ang nakalilipas, sa kalagitnaan ng pandemya, ay nasimulan niyang buuin ang isang bago at orihinal na content segment sa kanyang YouTube channel na “Team Payaman Lights, Camera, Action!”.
Pinamagatang “Anim na Magkakapatid” ang pinakaunang episode nito na umani ng papuri sa mga netizens dahil sa angking galing ng Team Payaman Boys sa pag-arte.
At dahil na rin sa nagging in-demand ang segment na ito ay muli itong nasundan ng panibagong episode na pinamagatang “She’s Dating the Prankster” na pinagbidahan nina Cong TV at Viy Cortez.
At kamakailan lang, sa bagong upload na vlog ni Yow sa kanyang Youtube channel, itinampok niya ang bagong episode ng segment na may pamagat na “LATE NA WITH RUPERT TAN” na kung saan sinabi niyang gumamit siya diumano ng bagong art na susubok sa kaniyang mga itinatampok.
“For our newest version ng ating Team Payaman Lights, Camera, Action, gagamit tayo ng bagong art na wherein we will test kung paano sila mag-aadapt o sumagot sa mga itatanong natin sa kanila,” saad nito sa unang bahagi ng video.
Si Yow bilang tagapakinayam, si Junnie Boy bilang si Mr. Tamulmol na, kasama ang Wild Dogs na binansagan niyang “Mga Gustong Tumiwalag Intervention Boys” ang bumuhay sa bagong bahagi ng TPLCA.
Sa naturang vlog, hindi alam ni Mr. Tamulmol ang kanyang bisyo na adik sa pagkain ng face mask at tanging ang Intervention Boys lamang ang nakakaalam ng bagay na kanyang kinaaadikan. At bilang challenge, ang tumawa sa kanila ay may karampatang parusa.
“Ito ang Intervention Boys na alam kung saan siya adik at bawal din silang tumawa. Papahiran natin sila ng pulbo kapag tumawa sila.” paliwanag nito.
“First question Mr. Tamulmol no, saan mo natutunan itong bisyong ‘to?”
“Nung grade 6 ako.”, walang pag-aalinlangang sagot ni Junnie Boy.
Sa unang katanungan pa lamang, agad nang nabigo si Burong sa hamon at siya ang unang nakatanggap ng bataw. Tunay na nagpakita ng husay at pagkamalikhain si Junnie Boy sa pagsagot ng impromptu na punchlines na hinangaan ng mga netizens.
Makalipas ang ilang mga tanong, hindi na naiwasan ng Intervention Boys ang magbato rin ng mga hindi pangkaraniwang katanungan na naging dahilan din kung bakit sila ay napatawan ng karampatang parusa.
Sa huling bahagi ng vlog, ay dun lamang napag-alaman ni Junnie Boy ang bagay na kanyang kinaaadikan.
“Ako po si Mr. Tamulmol at kinaaadikan ko ang pagkain ng face mask.”
Tiyak nga namang kagigiliwan ng ating mga netizens ang mga bagong pakulo ng ating mga paboritong vloggers. Pakaabangan natin ang mga susunod nilang mga pasabog!
Watch the full vlog below:
Love is indeed sweeter the second time around. Vlogger and VIYLine Cosmetics girl boss, Viy…
Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama…
Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang…
Kilala ang small-but-terrible pet na si Tawki bilang parte ng Pamilya Velasquez na kasama nila…
Isang panibagong adisyon sa lumalaking pamilya ng content creator na sina Toni Fowler at Tito…
“For every generation, for every complexion. The One Cream Fits All.” This is how Ms.…
This website uses cookies.