Viy Cortez Shares Reaction to Cong TV’s Marriage Proposal

The time has come dahil road to simbahan na talaga ang longtime Team Payaman couple na Cong TV at Viy Cortez after years of waiting.

Hindi lang binyag ni Baby Kidlat at kaarawan ni Cong TV ang ipinagdiwang ng Team Payaman kamakailan, dahil ito rin ang pinakahihintay na araw ng mag-nobyong Cong TV at Viy Cortez sa kanilang relasyon.

Soon to be Mrs. Velasquez

Ibinahagi ng Team Payaman Headmaster na si Cong TV ang kanyang naging preparasyon at ang aktwal na kaganapan sa likod ng proposal of the year ng Team Payaman sa kanyang vlog.

Ibinahagi rin ng vlogger slash entrepreneur na si Viy Cortez ang kanyang natatanging litrato sa likod ng ‘di-malilimutang kaganapan sa pitong taong relasyon niya kasama ang nobyong si Cong TV.

“Yes love!🤍  Una palang alam ko na ikaw ang magiging asawa ko🤍” pagbabahagi nito.

Sa kanyang bagong vlog, idinetalye ng 26-anyos first-time mom ang kanyang natatanging reaksyon sa likod ng hindi inaasahang ‘proposal ng taon.’ 

Noong Oct 29, ginanap ang pinakahihintay na proposal ni Cong TV, isang araw matapos ang binyag at birthday celebration ng 31-anyos na vlogger.

Bungad ni Viviys ang kanyang kaliwang kamay suot ang engagement ring mula sa nag-iisang Cong TV.

‘Ang laki, huyyy!’ panimula ni Viviys.

Bago pa man ilabas ni Viviys ang kanyang reaksyon sa proposal vlog ni Cong TV, hindi pa rin ito makapaniwala sa susunod na yugto ng kanilang relasyon. 

“So guys finally, ikakasal na kami!” anunsyo ni Viviys sa kanyang bagong vlog.

“Sabi ko mag-vlog kami kasi gusto ko, pag pinanood ko ‘to, yung fresh na fresh [yung pangyayari], yung para akong nakalutang pa rin” dagdag pa nito. 

Ayon naman kay Cong TV, “‘Yan ang life mission ko, maging masaya ka.” 

Nabanggit din ng CongTViy couple na isa na ang kasal sa susunod nilang pagkaka-abalahan. Napagtanto ng soon-to-be married couple na ito ay posibleng magaganap sa kanilang ika-8 o 9 anibersaryo o unang kaarawan ng unico hijo nilang si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez. 

Proposal Reaction

“Grabe rin yung iyak ko, kasi grabe yung parang may blessing na talaga yung relasyon namin” paliwanag ni Viy.

Nabanggit rin ni Viviys na ang nasabing timing ng nobyo nito para mag-propose ay talaga namang ‘perfect.’

“Pero guys, ito yung perfect time. Kasi noong sine-celebrate namin yung pagmamahalan namin ni Cong, nandoon lang si Kidlat sa gilid. Nung nakita ko siya, mas nagkaroon ng meaning lahat. Kaya sobrang saya ko,” ani Viviys.

“Guys, perfectly fit siya!” pagtuturo ni Viviys sa kanyang engagement ring.

Abot langit din ang tuwa ng soon-to-be wifey na si Viy sa kanyang engagement ring. Nabanggit rin ng vlogger na pangarap nya rin ang magkaroon ng nasabing singsing.

“Sobrang saya ko na sobrang saya mo. Yun ang importante sa akin” nakakakilig na banat ni Cong TV.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

6 days ago

This website uses cookies.