Dudut Earns a New Sword in Fighting his Fears!

Nobyembre na naman. Ang parte ng taon kung saan maraming kababalaghan at katatakutan ang nangyayari sa kapaligiran.

Ayon kay Dudut ng Team Payaman, lumipas man ang ilang taon, siya pa rin ay nanatiling matatakutin. Ngunit, sa taong ito, napagdesisyonan niyang harapin ang kanyang takot.

“Pero ilang taon man ang lumipas, eto pa rin ako na sobrang matatakutin. Para sa taong ito, naisipan kong harapin ang takot ko sa pamamagitan ng paghahanap ng aswang,” saad nito sa unang bahagi ng kanyang vlog. 

DUDUT LANG AS PANDAY

“Pero meron akong naisip na paraan para makakita ng aswang. At yun ay kung may espada ka ng Panday.”

Nagtungo si Dudut sa Sison, Pangasinan kung saan nakasalamuha at nakilala niya sina Marlo, dalawampu’t anim na taong gulang at ang ama nito na si Mang Danny, animnapu’t limang taong gulang. Sila ang ikatlong henerasyon ng mga panday sa kanilang pamilya. 

HOW IS A SWORD FORGED?

Hindi biro ang pagpapanday. Ayon sa mag-amang Marlo at Danny, ginagawa nila ang pagpapanday mula ala-siyete ng umaga hanggang ala-singko ng hapon. Dalawang espada sa isang oras, kabuuan ng dalawampu’t apat na espada sa isang buong araw.

Ang mga bakal at materyales na kanilang ginagamit sa pagbuo ng isang balaraw ay nagmula sa mga ni-recycle na mga bakal ng mga kotse. 

Sa unang proseso, kinakailangang malakas ang apoy kung saan nakasalang ang bakal at nangangailangan din ito ng lakas ng tagapag-panday sa paghulma ng makakapal na bakal.

“Kasi kapag ka ano, makapal pa yung bakal, mahirap pang hulmahin. Kailangan talaga ng ano, may kasama,” paliwanag ni Danny.

Nung una, hindi pinahintulutan si Dudut na magpanipis ng bakal ngunit kalaunan, binigyan siya ng permiso na personal na masubukan ang pagpapanday at tila nga nasubok ang kanyang abilidad sa pagpapanday ng isang balaraw. 

Sumunod naman ay nagtungo sila sa Sword Rubio Pangasinan na pagmamay-ari ni G. Franklin kung saan doon pinatalim at pinakinis ang balaraw na kanyang natapos. 

EYES ON THE GOAL!

Tila nagkaroon ng malalim na kahulugan ang pagpapanday ni Dudut.

“At parang nagkaroon ng malalim na kahulugan ang aking pagpapanday.” pahayag ni Dudut.

Tuluyan nang natapos ni Dudut ang kanyang espada at natukoy ang kaniyang tunay na layunin.

“Eto na nga ang sinasabi kong malalim na kahulugan ng aking pagpapanday. Ang matalo ang prinsipe ng kadiliman.”

Ngunit, napagtanto niyang moderno na pala ang prinsipe ng kadiliman at nabigong wakasan ang kadiliman. Iba rin Boss Dudut! Pawer!

Watch the full vlog below:

Claire Montero

Recent Posts

Boss Keng Shares What It Takes to Be a Motivational Dad

Bukod sa pagiging content creator at mapagmahal na asawa, muling ipinamalas ni Boss Keng ang…

1 hour ago

Team Payaman Girls’ VietnamVIENture Through Vien Iligan-Velasquez’s Lens

Sa likod ng successful prank ng Team Payaman Girls kay Tita Krissy Achino sa gitna…

2 days ago

Get First Dibs on Viyline’s Buy 1 Take 1 Payday Sale Deals

Payday doesn’t only mean you’re getting paid for your hard work, but also spoiling yourself…

4 days ago

Dudut Lang Cooks Team Payaman Wild Cats’ Favorite Dishes

Hindi lang sa pagpapatawa mahusay ang kwelang miyembro ng Team Payaman na si Dudut Lang,…

4 days ago

Find Out Why Viyline Skincare’s Magic Sunflower Oil Should Be Your Skin’s New BFF in a Bottle

The intense heat and rain brought by worsening climate change is why our skin needs…

4 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Shares Powerful Life Lessons in Latest Vlog

Inspirasyon ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada sa kanyang vlog sa…

5 days ago

This website uses cookies.