TOP TRENDING: Kidlat’s Ninang Donnalyn Bartolome Pokes Fun of Edited Photos with Godson

Matapos ang kina-abangang binyag ng unico hijo nina Cong TV at Viy Cortez na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, kaliwa’t kanan ang social media posts ng mga ninong at ninang nito na siyang ikinatuwa ng mga netizens.

Higit na naging top trending ang litrato ni Baby Kidlat kasama ang Social Media Goddess na si Donnalyn Bartolome na inulan ng nakakatuwang mga reactions online.

Ninang Donnalyn Multiverse

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang kanyang first-ever moment kasama ang inaanak nitong si Baby Kidlat. 

“Welcome to the Christian world my inaanak, Kidlat. I fell in love [with] you with just one look! I’m honored to be a part of your future,” ani Donnalyn.

Idinagdag din ng YouTube sensation ang pasasalamat sa mga magulang ng kanyang inaanak.

“Viy Cortez, Cong TV, you made an angel! Thank you for choosing and trusting me to help hone and guide your child’s life!” dagdag pa nito.

Ngunit mas naging top trending ang naging reaksyon at pakulo ng mga netizens sa mga larawan ni Donnalyn sa nasabing binyagan.

Sa isang Facebook post ng isang supporter, pabiro nyang in-upload ang isang edited photo kasama si Baby Kidlat at ninang nitong si Donnalyn Bartolome.

Robin Samaniego: “Welcome to the Christian world. Salamat sa mga ninong at ninang sa pagdalo. Happy wife, happy life!” 

Ang nasabing Facebook post ay umani ng libo-libong positibong reaksyon mula sa netizens dahilan upang mapansin ito ng YouTube vlogger na si Donnalyn.

Witty Ninang Donna

Sa ilalim ng parehong Facebook post, inulan pa ng samu’t-saring edited photos ang 28-anyos na vlogger dahilan upang ibahagi nya ito sa kanyang sariling Facebook post.

“Bakit biglang andami kong naging asawa!? Nag-ninang lang naman ako” biro ni Ninang Donnalyn.

Bukod sa mga nakakatuwang mga edited photos, mas ginawang kwela ng YouTube star ang kanyang post gamit ang witty captions.

Hindi parin naubos ang mga entries dahil kaliwa’t kanan pa rin ang mga edited photos ng legendary Ninang Donna x Baby Kidlat tandem photo.

Jhay Bravo: “Thank you sa pag-attend ng kasal namin.”

Christian Paul Loma: “Salamat sa mga pumunta sa binyag ng kambal ni Donnalyn!”

Bukod sa mga entries, laking tuwa rin ng mga netizens sa nasabing Facebook post dahilan upang ipadala nila ang kanilang komento.

Bevs Bernardes: “Yung magkaaway kami ng jowabels ko pero sabay kaming tumawa sa post mo, Donnalyn. Ang kulit!”

Lars Panilagao: “HAHA! Laughtrip sa mga caption mo, ate Donnalyn!”

Tita Krissy Achino: “HAHAHA! Ang benta ng mga edit! Pero mabenta yung mga captions!”


Likes:
0 0
Views:
388
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *