Team Payaman Insider: TP Wild Dogs Join Halloween Craze with the Creepiest Stories

Undas na naman! Dumating na naman ang pagkakataon ng bawat pamilya upang gunitain ang araw ng mga patay at bumisita sa kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Pero syempre, hindi rin mawawala ang mga katatakutang kakilakilabot tulad ng mga karanasan ng mga miyembro ng Team Payaman na siyang una nilang inilihad sa kanilang Halloween Special sa  Payaman Insider Podcast — ang Magandang Gabi, Payaman.

Halloween Katatakutan

Sa kanilang bagong video-podcast episode, ibinahagi nina Tier One CEO Tryke Gutierrez, TP Wild Dogs Junnie Boy, Boss Keng Gaspar, at Burong Macacua ang kanilang mapanindig-balahibong halloween stories.

Sinimulan ni Tryke ang kwentuhan sa pagtatanong ng mga pinaka-nakakatakot na karanasan ng kanyang mga kasamahan.

Una nang nailahad ng Tier One CEO ang kaniyang pinaka-kinakatakutang kwento tungkol sa kilalang white lady sa Balete Drive ng Quezon City na siya namang kinakilabutan ng kaniyang mga kasamahan.

“Sheesh, sheesh! Kinilabutan ako!” – Boss Keng

Sunod na nagkwento si Burong ng isang totoong karanasan ng kaniyang kasamahan sa dating trabaho na siyang ikinasigaw sa takot ng mga kasama nito. 

Ayon naman kay Junnie Boy, may kagimbal-gimbal na karanasan ang Giyang Family dahil miminsan nang nakaranas ang anak nitong si Mavi Iligan-Velasquez ng hindi makalimutang pangyayari. 

“Yung cctv namin, may gumalaw, may umakyat sa kama namin… Woohh, naalala ko!”  taas balahibong kwento ni Junnie Boy.

Bukod sa anak nitong si Mavi, may personal na karanasan din si Junnie Boy na mas lalong nakapagpataas ng kanilang mga balahibo.

“Nagce-cellphone ako. Tapos yung peripheral [vision] ko, may nakikita akong tao sa kwarto ko, [pero] ako lang mag-isa sa bahay” ani Junnie.

Doppelganger naman ang kwentuhan ng si Boss Keng na ang pumasok sa eksena.

“One time ako naka-experience mismo. Natutulog ako, nagising ako ng alas dos ng madaling araw, pagkaharap ko sa kabila, nakita ko yung mukha ng lolo ko. Iyak ako ng iyak sa takot” kwento ni Boss Keng.

Ngunit nang tanungin siya ni Burong kung pumanaw na ba ito, tawanan ang naging reaksyon ng kanyang mga kasama dahil sa kanyang sagot:

“Buhay pa pre” patawang sagot ni Boss Keng.
Click this link to listen to the full episode.

Yenny Certeza

View Comments

Recent Posts

Step Up Your Streetwear Game with Cong Clothing’s Black Collection Vol. 2

Following the successful wave of the TEAM PYMN Cap Collection, Cong Clothing is back with…

14 hours ago

Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy Proudly Share Alona Viela’s Academic Progress

Hindi maitago ang pagkatuwa ng Team Payaman power couple na sina Vien Iligan-Velasquez at Marlon…

1 day ago

Abigail Hermosada Bakes Cake for Furbaby’s Birthday Celebration

Muling pinatunayan ng resident baker ng Team Payaman na si Abigail Campañano-Hermosada ang kanyang galing…

1 day ago

‎Team Payaman’s Clouie Dims and Chino Liu Share Their First Head Spa Experience

‎ Isang super relaxing na 'SPAdventure' ang ibinahagi ni Clouie Dims sa kanyang pinakabagong YouTube…

6 days ago

Team Payaman’s Boss Keng Launches Playhouse Pickle in Bacoor, Cavite

Isang bagong pasilidad para sa mga mahihilig sa pickleball ang binuo ng Team Payaman vlogger…

7 days ago

Cong TV Captures Hearts with Aaron Oribe’s Journey in Latest Vlogs

Isang nakakaantig na pangyayari ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Cong TV sa…

1 week ago

This website uses cookies.