#PaengPH: Team Payaman’s Ahava Ministry Philippines Donation Drive, Here’s How You Can Help

Matapos salantain ng Bagyong Paeng ang ilang mga lugar sa Pilipinas, kaliwa’t kanan ang mga nagbibigay tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.

Kaisa ng Ahavah Ministry Philippines na siyang binuo ng mga miyembro ng Team Payaman ang mga organisasyong nagpaabot ng tulong sa ating mga kababayang napinsala ng bagyo.
Sa mga nagnanais na makiisa sa nasabing donation drive, hatid ng Viyline Media Group sa inyo ang mga paraan upang kayo ay makapagbigay-tulong.

Ahavah Ministry Philippines: The History

Nagsimula ang Ahavah Ministry Philippines noong 2008 sa inisyatibo ng magkakaibigan sa Cavite kung saan kabilang ang ating Boss Cong TV. Bago pa man tawaging ‘Ahavah Ministry’ ang organisasyon ay Angels in Backpacks muna ang naging tawag rito na siyang naglalayong tumulong sa mga nangagailangan.

To bridge the cheerful giver to the needy”, Iyan ang mga katagang makakapaglarawan sa adhikain ng Ahavah Ministry dahil naniniwala silang likas na matulungin ang mga Pilipino, dahilan upang maging tulay sila sa mga nais magpa-abot ng kanilang tulong.

Nang aming makausap si Mr. Adam Navea, isa sa mga nangangasiwa sa organisasyon, ay kaniyang inilahad na ang pangalang ‘Ahavah’ ay nangangahulugang ‘pagmamahal’ na siyang nagsisilbing ‘driver’ o tulay upang paglapitin ang mga nais tumulong at ang mga taong nangangailangan nito. 

Nabanggit din ng Ahavah Ministry team na isa si Cong TV sa naging instrumento upang lumawak pa ang mga natutulungan ng Ahavah Ministry Philippines.

“Praise God, sumikat si Cong TV. Noong sumikat si Cong TV, nagkaroon [kami] ng kaunting barya [pantulong], nagkaroon kami ng chance para makabuo ng isang organization,” pagbabahagi ni Adam Navea. 

Nabanggit din ng nasabing organisasyon na sa pagdaan ng mga taon ay unti-unti nilang ginagawa ang kanilang adhikain na makatulong, alinsunod sa 7 Corporal Works of Mercy ng Simbahang Katoliko.

Isa rin ang COVID-19 pandemic sa mga natural na sakunang nag-udyok sa kanilang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan. Dagdag pa rito ang kanilang paggawa ng sariling YouTube channel na siyang nagdaragdag sa kanilang budget para sa mga proyekto ng nasabing organisasyon.

Ang nasabing organisasyon ay bukas sa kahit anong anyo ng tulong. Ang bawat isa ay may pagkakataong makatulong kahit nasa loob lamang ng kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng pag-share ng posts ng Ahavah Ministry sa kanilang opisyal na social media accounts.

Para naman sa mga organisasyong nais na makiisa sa Ahavah Ministry Philippines, taos puso silang bukas sa kahit anong uri ng tulong o kolaborasyon, mangyari lamang na tumawag sa numerong: +639151518446.

Lend a Hand, Donate Now!

At bilang parte ng kanilang adbokasiya, bukas ang Ahavah Ministry Philippines sa kahit anong uri ng tulong mapa-pinansyal, donasyon ng pagkain, damit, at mga gamot para sa mga taong nasalanta ng bagyong Paeng. 

Tulad ng Team Payaman, ang bawat isa ay may pagkakataong makatulong sa ating kapwa sa tulong ng Ahavah Ministry.

Para sa mga tulong pinansyal, mangyaring makipag-ugnayan kay Adam Navea sa numerong: +63 915 151 8446.

Para naman sa mga materyal na donasyon, bukas ang Ahavah Ministry Philippines para sa mga sumusunod na pangangailangan:

  • Damit
  • Kumot
  • Noodles
  • Canned Goods
  • Gamot
  • Hygiene Kits
  • Relief Packs
  • Gatas Pambata

Ang drop off point ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Paeng ay sa Team Payaman Playhouse: Warehouse No. 7, Maclane Storage Facilities, Ilaya St., Niog II, Bacoor Cavite. 
Maaari ring sumubaybay sa opisyal Facebook page ng Ahavah Ministry Philippines para sa mga latest updates kaugnay sa inyong mga donasyon.

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s Clouie Dims Explores China for the First Time

Walang katapusang adventure ang hatid ni Clouie Dims sa kanyang YouTube channel, kung saan ibinahagi…

11 hours ago

Harake Siblings Reveals The Real Story Behind Zeinab’s ‘Arat Na!’

Isa ang mga katagang “Arat Na!” sa mga tumatak sa mga manonood ng vlogger na…

15 hours ago

Inclusive Fashion: Ivy’s Feminity to Launch New Everyday-Wear Collection For Men and Women

Known for their Instagrammable and affordable women’s OOTD selections, Ivy’s Feminity is set to level…

3 days ago

Netizens Applaud Team Payaman’s Vienna Iligan’s Sunsilk Endorsement

Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…

4 days ago

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

5 days ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

5 days ago

This website uses cookies.