Noong nagdaang October 29, 2022 ay tumama ang isa sa mga pinaka-malakas na bagyo ngayong taon na siyang sumalanta sa sambahayang Pilipino — ang Bagyong Paeng, partikular na sa mga karatig lugar sa Luzon at Mindanao.
At bilang taos-pusong inisyatibo ng VIYLine Group of Companies CEO na si Viy Cortez ay nangalap ito ng pondo sa pamamagitan ng kaniyang mga negosyo at sa kaniyang sariling bulsa na siyang namang umani ng papuri sa mga netizens sa social media.
Blessing in Disguise
Bago pa man tuluyang manalasa ang Bagyong Paeng, ipinabatid na ng vlogger slash entrepreneur ang kanyang hangaring magbigay ng donasyon mula sa kikitain ng kanyang negosyo na VIYLine Cosmetics at Skincare. Gayundin ay sinabi nito na maliban roon ay maglalabas siya ng pera mula sa kaniyang bulsa upang makapagbigay-tulong sa ating mga kababayan.
Sa isang facebook post, inanunsyo ng negosyante ang kalalagyan ng kanyang kikitain sa nasabing araw.
“Lahat po ng kikitain ng VIYLine Skincare at VIYLine Cosmetics ngayong araw ay idodonate ko po sa mga nasalanta, bukod pa sa ibibigay ko galing sa sarili kong bulsya” ani niya.
Kinagabihan ng pananalasa ng Bagyong Paeng ay kaliwa’t-kanan ang paghingi ng tulong ng ating mga kababayang hindi na makalabas dala ng rumaragasang tubig.
Sa tulong ng social media ay naipabatid ng mga netizens ang kanilang pagsumamo na mailigtas sila mula sa pagkakaipit sa kanilang mga tahanan bunsod ng pagbaha.
Dahil dito ay walang puknat na tumulong ang 26-anyos na vlogger sa pagse-share ng mga nasabing post upang mas marami itong maabot na kinauukulan at mga rescuers.
Isa sa mga naparatingan nito ay isang fire and rescue volunteer mula sa Makati na nais tumulong sa evacuation ng mga nasalanta sa San Pedro, Laguna.
Agarang nag-post si Viviys ng panawagan sa paghahanap ng pick-up truck upang matulungan ang mga volunteers na mailipat ang mga service boats at vest.
Siya namang kinamanghaan ng madla ang vlogger ng kanyang sagutin ang mga gastusin sa paghahanap ng service truck at pagbibigay ng libreng bangka para sa mga rescuers.
Token of Gratitude
Marami ang natuwa sa pagtulong ng Youtube vlogger na si Viy Cortez kung kaya inulan ito ng mga positibong komento mula sa mga natulungan at taga-suporta nito.
Isa na rito ang paghanga ng ating netizen mula sa Facebook post ng kanyang nakatransaksyon sa pag-renta ng pick up truck:
Maxine Mae San Jose: “Good transaction sa kumare ko. Viy Cortez Charez!’ Super bait nya makipag usap, 2:54 nung nagpaalam na sya samin na matutulog na sya, nagpuyat para sa mga boats pang rescue sa San Pedro Laguna.!! Sarap magpuyat pag ganto ka transaksyon feeling ko bff na kita HAHAHAHAH”
Bukod rito, ipinahatid rin ng kanyang mga fans ang pagsuporta sa kaniyang inisyatibong makatulong sa mga biktima ng kalamidad.
Sonny Candido: “Kayo po instrument Viy Cortez ni Lord sa lupa..hindi nya dinirets(o) ang pera binigay niya sa tamang tao na sa tamang paraan gamitin..sa kabila ng ngiti ay mabuting pus(o)..kya Cong TV at Viy Cortez you are God’s messenger of Love and Peace!!!”
Shirlyn Matela: “Napaka buti talaga ng puso mo viy! Deserve mo lahat ng blessings na dumadating sayo love you!!!”
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.