Panibagong good vibes vlog na naman ang hatid sa atin ng nag-iisang Cong TV ng Team Payaman. Sumabak sa isang malupit na adventure sa Enchanted Kingdom ang buong tropa para ipagdiwang ang kaarawan ni Team Payaman house boy, Kuya Inday.
Gaya ni Cong TV, hindi rin sanay magdiwang ng kanyang kaarawan si Kuya Inday gaya na rin ng nabanggit nito sa nagdaang vlog ni Cong.
Pero ngayon, tila bumalik sa pagkabata si Kuya Inday at ang buong Team Payaman sa kanilang pagbisita sa sikat na adventure park sa Sta. Rosa City, Laguna. Ano-anong rides kaya ang kinaya at sinubukan ng tropa?
“Ngayong araw na ‘to ise-celebrate natin ang birthday ni Kuya Inday,” panimula ni Cong TV sa kanyang bagong vlog.
“Isa lang ang goal natin kay Kuya Inday. Dapat masakyan nya lahat ng available na rides na pwede sa kanya,” dagdag pa nito.
Unang sinubukan ng buong Team Payaman ang sikat na Anchors Away kung saan halos maduwal sa hilo at lula ang resident physical therapist na tropa na si Carding Magsino.
Pero ika nga nila, “Susuka pero hindi susuko!” Kaya naman game na game pa rin itong sumabak sa iba pang rides.
Samantala, feeling young at heart naman si Kuya Inday sa kanyang unang beses na pagsakay sa nasabing ride.
“First time ko talaga sumakay sa mga ganyan, parang bata (ulit). ‘Di ko naalala yung edad ko eh!” kwento ni Kuya Inday.
Sunod na sinubukan ng buong tropa ang EKstreme, TwinSpin at iba pa.
Matapos ang isang masayang araw na puno ng nakakaaliw na rides, tinapos ng Team Payaman ang kanilang Enchanted Kingdom adventure sa pag-awit ng Happy Birthday song kay Kuya Inday.
But wait, there’s more! Binigyan din ng nasabing theme park si Kuya Inday at ang Team Payaman ng unlimited pass sa loob ng dalawang taon.
Watch the full vlog below:
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.