Team Payaman Goes to Enchanted Kingdom to Celebrate Kuya Inday’s Birthday

Panibagong good vibes vlog na naman ang hatid sa atin ng nag-iisang Cong TV ng Team Payaman. Sumabak sa isang malupit na adventure sa Enchanted Kingdom ang buong tropa para ipagdiwang ang kaarawan ni Team Payaman house boy, Kuya Inday. 

Gaya ni Cong TV, hindi rin sanay magdiwang ng kanyang kaarawan si Kuya Inday gaya na rin ng nabanggit nito sa nagdaang vlog ni Cong.

Pero ngayon, tila bumalik sa pagkabata si Kuya Inday at ang buong Team Payaman sa kanilang pagbisita sa sikat na adventure park sa Sta. Rosa City, Laguna. Ano-anong rides kaya ang kinaya at sinubukan ng tropa?

Ride all you can

“Ngayong araw na ‘to ise-celebrate natin ang birthday ni Kuya Inday,” panimula ni Cong TV sa kanyang bagong vlog

“Isa lang ang goal natin kay Kuya Inday. Dapat masakyan nya lahat ng available na rides na pwede sa kanya,” dagdag pa nito. 

Unang sinubukan ng buong Team Payaman ang sikat na Anchors Away kung saan halos maduwal sa hilo at lula ang resident physical therapist na tropa na si Carding Magsino

Pero ika nga nila, “Susuka pero hindi susuko!” Kaya naman game na game pa rin itong sumabak sa iba pang rides. 

Samantala, feeling young at heart naman si Kuya Inday sa kanyang unang beses na pagsakay sa nasabing ride. 

“First time ko talaga sumakay sa mga ganyan, parang bata (ulit). ‘Di ko naalala yung edad ko eh!” kwento ni Kuya Inday. 

Sunod na sinubukan ng buong tropa ang EKstreme, TwinSpin at iba pa. 

Unlimited EK pass

Matapos ang isang masayang araw na puno ng nakakaaliw na rides, tinapos ng Team Payaman ang kanilang Enchanted Kingdom adventure sa pag-awit ng Happy Birthday song kay Kuya Inday. 

But wait, there’s more! Binigyan din ng nasabing theme park si Kuya Inday at ang Team Payaman ng unlimited pass sa loob ng dalawang taon. 

Watch the full vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
1012
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *