Viy Cortez Surprises Cong TV with A P71k Worth of Gift

Isang linggo bago ang ika-31 na kaarawan ni Cong TV ay sinurpresa na ito ng kanyang longtime girlfriend na si Viy Cortez ng isang bigating regalo.

Kilala si Viy sa kanyang walang palyang efforts para sa kaarawan ni Cong TV. Ngunit ngayong taon, nakapag desisyon ang 30-anyos na vlogger na personal na i-organisa ang kanyang kaarawan, dahilan upang makatanggap na ito ng regalo mula kay Viviys.

New Leisure Investment

Sa bagong vlog ni Viy Cortez, ibinahagi nito ang pagbili ng regalo para sa nobyo nitong si Cong TV. 

“So ito na nga mga Viviys! Galit si Cong kasi gamit ko yung kotse niya kasi nga may pinuntahan ako ngayong araw,” panimula ni Viviys. 

“Ito ang twist, sabi niya, wala na siyang magamit dahil wala namang driver yung van. So guys, mayroon akong binili, at ire-regalo ko sa kanya,” dagdag pa nito. 

Dahil gamit na gamit ni Viy ang nasabing kotse sa tuwing pupunta sa opisina at iba pang commitments, pahirapan para kay Daddy Cong ang humanap ng sasakyan sa tuwing may lakad ito, gaya na lang ng paghahanap ng venue para sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Kaya naman, naisipan ni Viviys na regaluhan ng isang cute na pink e-bike na pwedeng gamitin ni Cong. Ayon kay Viy, naisipan nyang regaluhan si Cong ng e-bike dahil sa pag-aaya nitong magbike sa subdivision tuwing hapon kasama si Baby Kidlat. 

The Semi Cong TV Prank

Hindi kumpleto ang vlog ni Viy Cortez kung walang halong kalokohan at pang-iinis kay Cong TV.

Kaya naman, bago tuluyang i-reveal ang birthday surprise gift, kinasabwat muna ni Viy ang nagbenta ng ebike upang pakabahin si Cong TV sa bayarin na nagkakahalaga ng P71,000.00.

“Mayroon akong pina-deliver sa’yo, pampalubag loob!” ani Viviys kay Cong.

Paglabas ng Payamansion, isang malaking bayarin ang bumungad kay Cong TV, dahilan upang mangamba ito.

“Ako talaga magbabayad? Ako na nga hindi naka-alis kasi gamit na nila kotse ko eh,” pangamba ni Cong, 

Sagot naman ni Viy: “I-try mo muna [yung e-bike] bago ka magreklamo, para ma-feel mong worth it yung P71k mo.”

‘Di nagtagal ay binuking na rin ni Viviys ang kanyang mini prank, dahilan upang matuwa si Cong at i-test drive na ang e-bike kasama si Viy at Kidlat. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

17 hours ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

6 days ago

This website uses cookies.