Ninong James Reid: Cong TV, Tinapatan ang mga Bigating Ninang ni Baby Kidlat


Toni Gonzaga, Reese Tayag-Regua, at Anna Magkawas. Ilan lang yan sa mga bigating pangalan na inimbitahan ni Viy Cortez para maging ninang ng panganay nila ni Cong TV. 

Sa darating na Huwebes, Oct. 27, opisyal ng mababasbasan ng Sakramento ng Binyag si Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. Dahil sa koneksyon ni Viy sa mundo ng vlogging at negosyo, hindi maiiwasan na mga bigating pangalan mula sa iba’t-ibang industriya ang mapili nito na maging ninang ni Kidlat. 

Kaya naman, hindi nagpakabog si Cong TV at sinubukan na tapatan ang naglalakihang pangalan sa listahan ng ninang ni Baby Kidlat. 

Ninong Wild Dogs

“Si Viviys mayroong nakuhang influencer na mga ninang ni Kidlat, kaya ‘di ako papayag na wala ako,” kwento ng 30-anyos na vlogger sa kanyang bagong vlog

Unang nilapitan ni Cong ang nakababatang kapatid na si Junnie Boy at bayaw na si Boss Keng para tanungin kung pwede silang maging ninong ni Kidlat. Hindi naman nag kibit-balikat ang dalawa at tinanggap ang responsibilidad bilang ninong. 

Sunod na nilapitan ni Cong ang magigiting na Team Payaman drivers na sina Kuya Mic, Kuya Terio, at Kuya Lem, kasama ang TP house boy na si Kuya Inday. 

“Kasi kinuha ni Viy si Donnalyn Bartolome, kaso si Donnalyn wala naman siya dito sa bahay, paano nya tuturuan (si Kidlat)? Eh ano bang trabaho ng inong talaga?” ani Cong. 

Sagot naman ni Kuya Mic: “Yan ang aastang pangalawang tatay, pangalawang magulang.”

Sa huli ay napapayag din ni Cong TV ang lahat ng kalalakihan na bumubuo ng Team Payaman at ng buong tropa ng Payamansion. Pero tila kulang pa daw ang kanyang listahan…

Ninong James Reid

Upang mas matapatan pa ang mga bigating ninang na kinuha ni Viy Cortez para kay Kidlat, naglakas loob si Cong TV na ialok ang nasabing responsibilidad sa aktor at kapwa Mountain Dew endorser nyang si James Reid

Sa gitna ng paggawa ng bagong commercial kasama si Junnie Boy, sinubukan ni Cong TV na tanungin si James kung pwede nya itong kunin na maging ninong ni Baby Kidlat. 

“Can you be the father of my baby?” kabadong tanong ni Cong kay James.

“Ay ano ba yon? Grandfather? Godfather? I’m sorry, I’m nervous eh!” dagdag pa nito. 

Sagot naman ni James: “Okay, why not?”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

19 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

19 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.