Ninong Ry Reveals Why He Stopped Watching Cong TV Vlogs

Hindi lingid sa kaalaman ng mga netizens na isa si Ryan Morales Reyes, a.k.a Ninong Ry, sa mga masugid na tagahanga ni legendary YouTube content creator Cong TV. Pero kamakailan lang, inamin nitong tinigil nya ang panonood ng mga bagong vlogs ng itinuturing na idolo at inspirasyon niya sa vlogging. 

Sa kanyang pinakabagong interview, ipinaliwanag ng batikang food content creator na sinadya nyang iwasan panoorin ang mga bagong vlogs ni Cong TV dahil sa isang simpleng dahilan. 

Ang tanong tuloy ng lahat, may alitan ba sina Cong at Ninong Ry? O nagsawa na ito sa mga content ng utak sa likod ng Team Payaman – ang pinakasikat na vlogger group sa bansa?

Cong TV’s die-hard fan

Sa interview kay Ninong Ry sa SuperHuman podcast ni YouTube content creator Wil Dasovich, sinabi nitong ang pagnood sa mga vlogs ni Cong TV ang isang paraan niya upang magkaroon ng energy sa tuwing tambak ang trabaho. 

“Before when the workload is really high and I really need to perk myself up, I watch Cong TV, a re-run of Cong TV (vlogs),” ani Ninong Ry. 

Screenshot from Wil Dasovich – SuperHuman YouTube channel

Pero kamakailan lang, tinigil niya ang mga panonood ng bagong vlogs ni Cong TV dahil sa kakaibang atake ng mga ito. 

“Pero very emotional kasi akong tao, so I tend to gravitate away from things that will make me sad or cry, even if it is a feel-good sad or a feel-good cry,” dagdag pa nito. 

Ayon sa YouTube chef, hindi na sya nanonood ng bagong vlogs ni Cong TV simula nang umalis sa Payamansion ang loyal kasambahay nilang si Mamita. 

Bagamat pinapanood pa nito ang mga luma at kwelang vlogs ni Cong TV, tinigil na nyang panoorin ang mga bagong episode dahil masyado aniya itong emosyonal para sa kanya. 

Screenshot from Wil Dasovich – SuperHuman YouTube channel

Kwento pa ni Ninong Ry, isa sa mga emosyonal na vlogs ni Cong TV na tumatak sa kanya ay noong pinagawan nito ng billboard ang kaibigan at kapwa Team Payaman member na si Michael Magnata, a.k.a Mentos

Dagdag pa nito, nagkakaroon na kasi ng kurot sa puso ang mga contents ni Cong TV kung kaya iniiwasan muna niya ito dahil masyado siyang emosyonal na tao. 

“Which is good kasi his audience is maturing. Eto minsan yung pitfall ng mga content creators, they don’t grow with their audience, pero Cong grows with their audience,” ani Ninong Ry.

“Or he makes his audience grow with him,” dagdag naman ni Wil. 

Cong TV x Ninong Ry x Wil Dasovich

Dahil sa naturang usapan, nanawagan si Wil Dasovich sa mga followers at fans nila ni Ninong Ry upang hikayatin si Cong TV na maging panauhin sa kanyang SuperHuman podcast

Paliwanag ni Wil, matagal na niyang inaawitan si Cong na mag-guest sa naturang podcast, game naman aniya ito, ngunit sadyang hindi mag-swak ang kanilang mga schedule. 

“Cong, baka naman! Paawer! Tayong tatlo, dude! I would cancel all my plans if we can do a Ninong Rye – Cong TV SuperHuman Wil Dasovich three-way,” ani Wil. 

Dagdag naman ni Ninong Ry: “Cong kahit branded yon (commitment ko sa araw na yon) ika-cancel ko para sa’yo. Kahit kasal ko sa araw na yon, ika-cancel ko para sa’yo.”

Watch the full episode below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

17 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

17 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

17 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

3 days ago

This website uses cookies.