Junnie Boy Falls Victim to Another Team Payaman Prank

Kung isa ka sa mga solid Team Payaman fans ay tiyak na hindi mo malilimutan ang epic “Junnie Boy Prank” na isinagawa ni Cong TV noong 2018. Tumatak din sa lahat ang  “The Vien Prank” ni Junnie sa kanyang misis. 

Pero makalipas ang ilang tao, muli na namang nabiktima ng isang Team Payaman prank ang kapatid ni Cong TV. Pambawi nga kaya ito ni Mommy Vien Iligan-Velasquez sa dating prank sa kanya ng mister?

The Junnie Boy Prank 2.0

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 26-anyos vlogger ang kanyang inihandang prank para sa mister na si Junnie Boy. 

Sa kabila ng maitim na balak ni Mommy Vien ay lambing nito sa kanyang asawa dahil isang bagong iPhone 14 Pro Max lang naman ang naghihintay para kay Junnie Boy.

“Gagawin kong prank siya. ‘Di ba may iPhone 14? So buong akala niya, may phone siya, kanin at hotdog ang nasa loob ng iPhone 14 [box],” paliwanag ni Vien.

Sa tulong ng Team Payaman-trusted mobile phone seller na Mobile Cart PH ay naisakatuparan ni Vien ang prank para sa asawa. 

Kinabukasan, inuna ni Mommy Vien ang kanyang agenda na biruin si Junnie dala ang kanyang inihandang iPhone 14 na may lamang kanin at ulam. 

“Ay alam ko yan! Cellphone! Cellphone ‘yan, iPhone 14!” ani Junnie nang makita ang dala ni Vien. 

Mariing itinanggi naman ni mommy Vien ang paratang ni Junnie Boy dahilan upang mas lalo pa itong magalak sa laman ng supot.

Nang ilabas na ni Mommy Vien ang inaakalang kahon ng iPhone 14, agad namang sumigaw sa tuwa si Junnie dahil sa excitement.

“Alam mo yung mga ganyan pre, yung mga pa-sorpresa ng asawa, [ibig sabihin] mabait kang asawa,” biro pa ni Jun-Jun. 

Hindi nagtagal ay napalitan ang tuwa ni Junnie Boy ng pagkadismaya matapos nitong mabuko ang ang inihandang prank ng kanyang asawang si Vien.

Agad namang binawi ni mommy Vien ang kanyang prank at inabot ang surpresang regalo para sa kanyang hubby.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

26 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

33 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.