Kevin Hermosada and Junnie Boy Join Forces in New Team Payaman Prank

Kevin Hermosada is back at it again with another epic prank vlog. Pero sa pagkakataong ito, kasabwat ni Kevin ang kapwa Team Payaman member na si Junnie Boy Velasquez para i-prank ang kanyang bestfriend na si Dazer. 

Hindi lang basta-basta prank ang ginawa ng dalawa dahil nagka-sanglaan pa ng gamit ng may gamit! Mission accomplished naman kaya ang prank collaboration nina Kevin at Junnie?

Best Friend Problems

“Kaya ako lumapit sayo, kailangan ko talaga ng tulong mo pre,” ani Kevin kay Junnie Boy.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Libre frontman ang problemang pinagdadaanan ngayon ng matalik nitong kaibigan. Pero imbes na magbigay ng solusyon ay naisipan ni Kevin na tulungan ang kanyang bestfriend sa pamamagitan ng isang prank.

Ika nga ni Junnie Boy: “Ilubog mo muna, bago mo hilahin pataas.” 

Dahil dyan, game na game na naging kasabwat si Junnie sa maitim na balak ni Kevin.

Base sa nakaraang vlog ni Junnie Boy, napagdesisyunan ni Kevin na i-prank ang kaibigan sa pamamagitan ng pag-sangla ng mga kagamitan nito ng lingid sa kanyang kaalaman. 

Sa tulong ng kakilala ni Junnie Boy sa isang kilalang pawnshop, kasado na ang mga kasabwat at ang props para sa maitim na binabalak ni Kevin laban sa best friend nitong namomroblema.

It’s Prank Time!

Hindi nagtagal ay isinagawa na ni Kevin Hermosada ang kanyang binabalak na prank laban kay Dazer. Bukod kay Junnie ay tinulungan din si Kevin ng kanyang kapwa Team Payaman member na si Mentos.

Nagtungo sa Marikina ang grupo upang isagawa na ang sangla prank sa tulong ng Cebuana Lhuillier. Kinuntsaba din ni Kevin ang tauhan ng nasabing sanglaan at nagkunwaring isasanla ang iniingatan na cellphone ni Dazer.

Unang hiniram ni Kevin ang telepono ng kaibigan tsaka ito ipinasok sa loob ng pawnshop upang kunwariang isanla. Bigyan naman ng mga tauhan ng Cebuana Lhuillier si Kevin ng mga pekeng dokumento na syang gagamitin para mapaniwala si Dazer na naisanla nga ang kanyang telepono.

Kalaunan ay hinahanap na ni Dazer ang kanyang telepono dahilan upang lumabas ang kanyang pangamba at takot. Hindi nagtagal ay inamin na rin ni Kevin na isinanla nya ang iniingatang telepono ng kaibigan.

“Paano ko tutubusin ‘to ngayon?” pangamba ni Dazer.

Napawi naman ang kalungkutan at takot ni Dazer nang aminin ni Kevin Hermosada na biktima lang ito ng isang prank.

“Isa lang masasabi ko pre! I love you!” biro pa ni Dazer.

Bukod dito, sinurpresa rin ni Kevin ang kanyang kaibigan ng isang maliit na pampuhunan upang magsimula ng bagong negosyo.

“Hindi nga? Seryoso ba ‘to? Salamat!” emosyonal na sambit ni Dazer.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.