Mavi Velasquez Marks Milestone as he ‘Moves Up’ to Nursery 2

Sa bilis ng panahon ay tila hindi namalayan ng Team Payaman fans na tutungtong na sa Nursery 2 ang panganay nina Junnie Boy at Vien-Iligan Velasquez na si Von Maverick, a.k.a Mavi. 

Dahil dito, masayang ibinahagi ni Mommy Vien ang “Moving Up” journey ng kanilang tatlong taong gulang na unico hijo na malapit na ring maging ganap na Kuya Mavi. 

Matatandaang naging viral sa social media ang unang araw ni Mavi sa eskwela na ginawan pa ng series ni Daddy Jun. 

Mavi’s Moving Up Journey

Sa kanyang bagong vlog, proud na  ibinahagi ni Mommy Vien ang paliwanag ng guro kung bakit nagpasya silang ilagay agad si Mavi sa Nursery 2. 

Ayon sa 26-anyos na vlogger, mabilis daw kasing matuto si Mavi ng kanyang mga lessons sa paaralan. 

“Pinag-moving up na siya ng teacher niya, kasi sabi nya, si Mavi, siya lang yung advance magsalita, nakakausap ng maayos, at matured na si Mavi para sa mga kaklase niya,” kwento ni Mommy Vien.

Bukod dyan, ipinasilip rin ni Vien Iligan-Velasquez ang tipikal na araw nila sa tuwing papasok sa school ang unico hijo. Matapos ihatid ni Daddy Junnie ay excited na nakisali si Mavi sa iba’t-ibang aktibidad sa paaralan. 

Kaliwa’t kanan naman ang papuri na natanggap ng tinaguriang “Itlog” ng Team Payaman mula sa kanyang mga guro at kaklase, na siyang ikinatuwa rin ng kanyang proud parents.

Mavi’s Gift to Kidlat

Sa kabilang banda naman, ibinahagi rin ni Mommy Vien sa nasabing vlog ang pagbibigay ni Mavi ng kanyang munting regalo sa pinsan nitong si Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.

“Mayroon akong gift kay Kidlat! Salbabida” ani Mavi.

Personal na inabot ni Mavi ang kanyang regalo kay Baby Kidlat na ikinatuwa naman Mommy Viy Cortez.

Ang salbabida na pang sanggol ang regalo ng Giyang Family sa kauna-unahang supling ng YouTube power couple na Cong TV at Viy Cortez

“Naisip ko talagang i-regalo ‘to [kay Kidlat] dahil gusto kong ako yung pinaka favorite Tita!” biro ni Tita Vien. 

“Thank you, Kuya Mavi and Tita Vien!” pasasalamat naman ni Viviys.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

2 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

2 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

2 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

3 days ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

4 days ago

This website uses cookies.