Pat Velasquez-Gaspar to Take Fitness Journey to the Next Level by Breaking Unhealthy Habits


Kamakailan lang ay biyaheng Siargao Island na naman ang mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar kasama ang ilan sa kapwa Team Payaman members. 

Bukod sa bakasyon ay sumabak ang grupo sa malulupit na land at water adventures na ipinakita sa mga nagdaang vlogs ni Boss Keng. 

Ngunit sa kabilang banda, nagsilbing “eye opener” ang naturang bakasyon para kay Pat, dahilan upang simulan nito ang kanyang major personality glow up.

Siargao Trip

Tila proud mommy ang peg ni Tita Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang pamangkin na si Mavi sa kanilang bonding na paghuli ng mga hermit crab sa Siargao.

Bukod sa pagiging hands-on Tita, sumubok rin si Pat ng iba’t-ibang aktibidad kasama ang Team Payaman Wild Cat na si Clouie.

Matapos ang buwis buhay na aktibidad, deretso kain na ang buong Team Payaman ng kanilang tanghalian sa Daku Island.

Breaking unhealthy habit

Sa kabila ng masasaya at ‘di malilimutang bakasyon ay ang kaliwa’t-kanang reyalisasyon sa kanyang kalusugan ang napagtanto ng Wagyuniku by Pat and Keng CEO. 

Ibinahagi ng 26-anyos na vlogger ang ilan sa mga munting pagbabago na kanyang ginagawa para mas lalong alagaan ang kalusugan at sarili.

“One month na ako [na] straight nag-e-exercise and ayaw kong maputol yung momentum na ‘yon. Hindi lang halata, pero somehow na-feel ko na nag-lose ako ng weight,” kwento ni Pat.

“Kailangang mo i-motivate sarili mo. Kasi kung hindi kaya ng isip mo, hindi kaya ng katawan mo!” dagdag pa nito.

Napagtanto rin ni Mrs. Gaspar ang kahalagahan ng kanyang kalusugan dahilan upang ituloy nya pa ang kanyang nasimulang pagbabago sa sarili.

Kwento pa ni Pat, sinimulan na nya ang kanyang fitness journey sa pamamagitan ng paglalakad sa loob ng 30-minuto araw-araw at sinundan pa ito ng iba pang mga ehersisyo sa mga susunod na buwan.

“Kung ako sayo, samahan mo akong baguhin ang [ating] unhealthy lifestyle! At sana, samahan niyo ako sa journey ko,” paanyaya ni Pat sa mga manonood.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

3 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 days ago

This website uses cookies.