Junnie Boy Surprises Video Editor Bods with Generous Gift

Para sa nalalapit na kaarawan ni Team Payaman video editor Brylle “Bods” Galamay, naisipan ni Junnie Boy na bigyan ito ng regalong hindi lang niya ikatutuwa ngunit mapapakinabangan pa sa pang araw-araw na trabaho bilang editor. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 28-anyos YouTube vlogger ang kanyang mga pinagdaanan bago tuluyang mabili ang pang malakasang regalo para kay Bods. 

Birthday gift challenge

Sa tulong ni editor-turned-vlogger Kevin Hermosada, naisip ni Junnie Boy na regaluhan si Bods ng bagong computer monitor. Bukod kasi sa magagamit nya ito sa paglalaro ng online games, magandang investment din ito para lalo pang mapaganda ang edit ni Bods sa mga vlog ni Junnie Boy. 

Para mas maging exciting ang pagrereglo ay hinamon ni Kevin si Junnie na regaluhan ang kanyang editor nang hindi naglalabas ng pera mula sa sarili nitong bulsa. 

Dahil dito, sinubukan ng kapatid ni Cong TV na mangutang sa kapwa Team Payaman members ngunit bigo siya. Imbes naman na pahiramin ng pera ay nagmungkahi ang misis nitong si Vien Iligan-Velasquez na mag sangla na lang ng kanyang mga alahas para makakuha ng pambili ng regalo kay Bods. 

Pawnshop Hunt

Agad sinunod ni Junnie Boy ang payo ng kanyang misis at naghanap ng pawnshop kasama sina Kevin at Carlos Magnata, a.k.a Bok

Kung saan-saang sanglaan nagtanong si Junnie Boy hanggang sa makaabot ito sa isang branch ng Cebuana Lhuillier. Dito naisangla ni Junnie Boy ang dalawa gintong kwintas sa halagang P.158,500, sapat na para makabili ng inaasam na computer monitor ni Bods at pang sweldo sa kanyang trabaho. 

“Kahit bilhan ko si Bods ng pitong monitor!” biro ni Jun-Jun. 

“Ngayon lang ulit ako makakahawak ng ganitong pera, pre! Nangangatal ako! Hindi na kasi ako nag-a-upload kaya wala na kong pera!” dagdag pa nito. 

Happy Bods Day!

“Bilang pasasalamat sa kanyang kabutihang loob at pagpapamalas ng kagalingan. Bilang pasasalamat sa iyong kagitingan, sa iyong kabaitan, at sa iyong malulupit na likha,” ani Junnie kay Bods. 

“Eto Bods, advance Happy Birthday! Advance Happy Bods Day!” pagbati ng butihing boss. 

Agad binuksan ni Bods ang nasabing regalo at hindi makapaniwala sa kanyang nakita. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

3 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 days ago

This website uses cookies.