Challenge Accepted: Cong TV to Organize His Own Birthday Party for the First Time

Sa darating na Oct. 27 ay ang ika-31 kaarawan ng legendary YouTube content creator na si Cong TV. Kasabay nito ay ang binyag ng unico hijo nila ni Viy Cortez na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Matapos ang kanyang top-trending vlog na may tema ng pagtanda, napag desisyunan ni Cong na ipagdiwang ang kanyang birthday. Dahil dyan, nag-presinta syang asikasuhin at maging punong abala sa nalalapit na selebrasyon.

The Preparation

“Magse-celebrate ako ng birthday ngayong taon,” ani Cong TV.

“For the first time!” sagot ng nobya nitong si Viy Cortez.

Hindi nakasanayan ni Cong TV na ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Walang magarbong handaan, bakasyon o ano mang klase ng selebrasyon. Tanging ang longtime girlfriend nitong si Viviys ang laging nag susurpresa sa kanya taon-taon. 

Kaya naman laking gulat ng 26-anyos na first-time mom nang si  Cong TV mismo ang nag presinta na asikasuhin ang lahat ng kailangan para sa kanyang birthday party. 

Ano kaya ang binabalak ng leader ng Team Payaman? Yan ang dapat nating abangan sa mga susunod na araw. 

Cong TV’s new videographer

Dahil off duty muna ang resident videographer at editor ni Cong TV na si Ephraim Abarca, to the rescue naman bilang “videographer for a day” si Kuya Inday.

“Ang galing talaga nito guys! Ang problema lang, ang galing [rin] matulog!” biro ni Cong TV. 

Dahil dyan, ipinakilala ni Cong si Rey, isang videographer na nag nanais mapabilang sa hanay ng malulupit na videographer’s ng Team Payaman.

Laking gulat ni Eph ng makamayan ito at pabirong kinabahan sa takot na mapalitan siya sa kanyang trabaho.

“Pre, possible na mapalitan ka n’yan pre!” ani Cong TV.

Upang labis na makilala pa ang aplikante at malaman kung sino ang deserving para sa titulong Certified Team Payaman Videographer, nagsagawa ang TP Wild Dogs ng isang wild card decision sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball.

Unang nakapuntos ang bagong aplikante na si Rey, dahilan para madismaya ang resident TP videographer na si Eph. 

Nilinaw naman ni Cong TV na hindi mawawala sa posisyon si Eph, sapagkat mananatiling siyang editor ni Cong TV, habang si Rey naman ay kanyang opisyal ng videographer.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.