Mentos of Team Payaman Details 1st Time Siargao Tourist POV

First but definitely not the last. Yan ang tema ng bagong travel vlog hatid ni Team Payaman driver-turned-vlogger Michael Magnata, a.k.a Mentos. Ito ay matapos niyang ibahagi  sa netizens ang kanyang unang bakasyon sa tinaguriang “Surfing Capital of the Philippines,” ang Siargao Island. 

Kasama ang ilang miyembro ng Team Payaman, pinasilip ni Mentos ang kanyang malupit na Siargao Life Experience sa loob ng isang linggo.

First time in Siargao

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mentos ang mga kaganapan sa likod ng kanyang kauna-unahang pagbisita sa Siargao. 

Bago pa man sumabak sa matinding surfing at island hopping, nag-batak muna sa alak sina Mentos at kapwa Team Payaman driver na si Kuya Terio. Ayon sa dalawa, ang alak ay nagsisilbing pampatulog nila para mag pahinga bago ang isang linggong puno ng gala. 

“Dapat kapag pupunta kayo ng Siargao, dapat ganito ang ritwal!” ani Mentos.

Kinabukasan, maagang gumising ang Team Payaman upang isagawa ang mga plano nilang aktibidad, unang una na rito ang island hopping.

Pero bago ang lahat, naghanap muna ng makakainan ang TP Drivers upang magkaroon ng laman ang kanilang tiyan bago pa sumabak sa malupit na mga aktibidad. Syempre, isinaalang-alang din nina Mentos ang paghahanap ng ‘budget friendly’ na kainan. 

“Yung budget ko, limited lang eh. Kaya mas prefer kong kumain sa mga karinderya” paliwanag ni Mentos.

Kasama ang ilang miyembro ng Team Payaman sabay-sabay na nagsaya ang grupo sa kanilang unang aktibidad.

Guyam Island ang unang destinasyon ng kanilang island hopping, na siyang nakapagpamangha sa grupo ng Team Payaman dahil sa angking ganda nito.

Sinulit na rin ni Mentos ang kanyang unang bakasyon sa Siargao sa pagtatampisaw sa mala-kristal na tubig dagat sa ilalim ng matarik na araw, kasama ang certified TP Kids na si Mavi.

Sunod namang sumabak sa snorkeling ang Team Payaman. Bagamat takot sa malalim na tubig, game na game na sinamahan nina Boss Keng at Dudut si Mentos sa kanyang first underwater experience sa Siargao.

“Kumuha talaga ako ng life vest kasi takot ako sa malalim [na tubig]” depensa ni Mentos.

Syempre, hindi kumpleto ang first time Siargao experience kung hindi mararanasan ni Mentos na mag-surf magagandang alon ng isla. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong Clothing Teases Next Wave of TEAM PYMN Cap Collection

After the overwhelming success of Cong Clothing’s limited edition Team Payaman Caps released last August,…

12 hours ago

Tsuper Dad Episode 2: Junnie Boy Shares His Heartfelt Bond with Kids

Matapos ang kanyang trip sa Japan, masayang sinalubong nina Mavi at Viela ang kanilang tatay…

13 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Elevates ‘Sugod Nanay Gang’ Series In Barangay Edition

Matapos ang matagumpay na pilot episode ng ‘Sugod Nanay Gang,’ muling nagbalik ang Team Payaman…

1 day ago

Team Payaman’s Burong Shares a Glimpse of Kontrabida Moves and Pickleball Fun

Sa pinakabagong vlog ni Aaron Macacua a.k.a. Burong, ibinahagi niya ang ilan sa mga kanyang…

1 day ago

Doc Alvin Francisco Fulfills Dreams of Future Doctors Through Scholarship Initiative

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…

6 days ago

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…

6 days ago

This website uses cookies.