Viy Cortez Admits Being an Anxious Mom to Baby Kidlat: ‘Ginagawa ko lang yung sa tingin kong best para kay Kidlat’

Inamin ng batikang YouTube vlogger na si Viy Cortez na hindi niya maiiwasan maging sobrang linis para sa kalusugan ng panganay nila ni Cong TV na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Sa kanyang bagong TikTok video, nagpasalamat ang 26-anyos first-time mom sa mga kapwa mommies at daddies na laging syang tina-tag sa mga video na nakakadagdag sa kanyang kaalaman bilang bagong magulang. 

Tinag kasi ng netizens si Viy sa isang TikTok video ni Dr. Michael Cuarteron (@docmikepedia) na nagsasabing “hindi maganda ang masyadong malinis kay baby.”

Paliwanag ng nasabing pediatrician, hindi makabubuti sa kalusugan ng sanggol ang sobrang dumi o sobrang linis sa katawan dahil mas malaki ang tyansa na magkaroon sila ng iba’t-ibang sakit. 

“Ito ay sa kadahilanang hindi maaga na-develop ang kanilang immune system dahil hindi agad sila na-expose sa mikrobyo o impeksyon,” dagdag pa ni Dr. Cuarteron. 

Anxious first-time mom

Dahil sa pag-tag ng mga netizens, ipinaliwanag ni Viy Cortez kung bakit tila nasosobrahan sila ni Cong TV sa pag-protekta sa kalusugan ni Baby Kidlat na ngayon ay tatlong buwang gulang na. 

Aminado si Viviys na naging sobrang OA syang ina dahil na rin sa mga pinagdaanan nila mula ng ipanganak si Baby Kidlat noong July 5, 2022. Kwento ni Viy, ilang oras pag-uwi galing ospital ay binalik agad nila si Kidlat dahil nagkaroon ito ng dehydration. 

“After non sobrang na-ansya (anxious) ako, natakot talaga ko. Kaya pag-uwi namin dito may dala na kaming nurse. Basta sobrang OA ko,” ani Viviys. 

Matapos ang ilang buwan ay tinamaan naman ng COVID-19 ang kanilang pamilya, dahilan upang ibalik sa ospital ang cute na cute nilang unico hijo

“Lahat ng pagiging ansya (anxious) ko, yung nerbyos ko, lahat yon nanumbalik. Kaya nung pagkatapos na naman namin ma-ospital, ang dami ko na namang pinagbibili na kung anong aparatos, kulang na lang magtayo na ko ng VIYLine Clinic talaga, day!” 

Pero depensa ni Viviys, unti-unti naman na nyang nalalagpasan ang pagiging sobrang linis kay Baby Kidlat at sinusubukang ilabas ito ng bahay paminsan-minsan.  

“Hindi ko alam kung paano ko maiiwasang maging sobrang linis kasi siguro sobrang ansyang-ansya na ko, pero ginagawa ko lang yung sa tingin kong best para kay Kidlat kasi ayoko na syang ma-ospital (ulit) kasi sobrang hirap, naawa talaga ako sa kanya.”

Support system

Dinepensahan naman ng netizens si Viy Cortez at sinabing natural lang sa isang ina na mag-alala para sa kalusugan ng kanyang anak, lalo na at pangay si Baby Kidlat. 

dejavu: “Walang mali sa pagiging malinis prevention is better than cure, mahirap mag sisi sa huli.”

Agatha Pragados: “Pag Nanay ka na maiintindihan nyo sila mag asawa. Nakakabaliw talaga pag nagkasakit anak mo lalo na baby pa.”

Thine: “Okey lang yan mommy viy, gusto lang natin kasi yung best para kay baby pero habang tumatagal makakapag adopt na rin tayo.”

Lu Mar: “Ure doing great. Its better to be preventive. Follow ur instinct. U got this mommah!”

Danica Mariel Duque- Mayo: “As a PICU Nurse, It’s completely understandable na ma anxious especially for first time moms. Yung pampaligo ok na yung pakuluan mo yung water.”

Kath Regio

Recent Posts

Ninong Ry Meets Gordon Ramsay at ‘Masterchef’-Inspired Show in Manila

Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…

7 hours ago

This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…

11 hours ago

How to Score a Meet and Greet Pass With Viy Cortez-Velasquez at the VIYLine MSME Caravan

In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…

1 day ago

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

2 days ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

2 days ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

6 days ago

This website uses cookies.